KABANATA 27

656 18 0
                                    

Kabanata 27:


"Ang bait mo naman, Doc!"

Rinig kong sabi ni Lei. Sya iyong pumalakpak kanina at batid kong kanina pa sila naka-tingin sa akin habang kinakausap ko si Angel. Pero napako ang tingin ko sa mga taong kasama ni Lucas at ni Lei.

Montenegro...

Bakit sila andito? Wag nyo sabihing sila ang VIP patient ko? Tinignan ko sila isa-isa at kita ko ang gulat na rumehistro sa mga mukha nila. Lalo na ng lalaking kay tagal ko ng hindi nakita.

"Katatapos lang ng surgery mo?"

Napalingon ako kay Lucas nung marinig ko ang boses nya. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nya kaya naman huminga ako ng malalim at binigyan sya ng isang magandang ngiti.

"Yes," sabi ko at lumapit sa kanya.

Agad nyang iniakbay ang braso nya sa akin at ginulo ang buhok ko.

"You tired?" tanong nya.

Tumingin ako sa kanya at tumango. Ramdam ko ang tingin ng mga kasama namin pero hindi ko ito pinansin.

Natawa si Lei, "Gutom ka na no? Dapat kumain ka muna bago ka pumunta dito," sabi nya sa akin kaya nilingon ko sya.

Kinindatan nya ako at pahapyaw na tinignan si Axel. Hindi ko naman ito pinansin.

"Kalalabas ko lang ng operating room and they said that the VIP patient is here," sagot ko. "Where is she?" tanong ko sa kanya.

"She's inside, Belle" sabi ni Lucas at tinanggal ang pagkaka-akbay sa akin. Kaya naman tumingin ako sa kanya, "Dr. Samonte is talking to them," dagdag nya.

Tumango-tango ako at kumunot ang noo, "Why are you here? You're a Neurosurgeon, not a Cardio," pagsusungit ko.

"Ewan ko din ba dyan. Katatapos lang din nyan sa surgery nya kaya nagulat ako nung sumama sya sa amin," sabi ni Lei.

Nilingon ko sya at nahagip ng paningin ko si Lexie. Naka-ngiti agad sya sa akin kaya naman tipid akong ngumiti sa kanya.

"Bella... It's nice to see you again," sabi nya sa akin.

"Hmm," sabi ko at sabay tango. Nilingon ko si Lucas at Lei. "Bakit sila andito? Who's my patient?" tanong ko sa kanila.

"Hindi mo alam? Hindi mo nabasa yung record?" takhang tanong ni Lei.

"I'm not going to ask if I read the chart," malamig na tanong ko sa kanya.

Nakita ko syang natigilan at nagka-tinginan sila ni Lucas. Bumuntong-hininga sya at ini-abot ng chart sa akin. Kinuha ko ito at sinimulang basahin.

"Mrs. Juana Montenegro, 73 years old, experiencing chest pain for the last two months. Got admitted here two years ago for the same reason," panimula ni Lei.

Gulat kong tinignan ng chart ni Donya Juana. Hindi ako maka-paniwalang sa ganitong sitwasyon kami muling magkikita. Nag-angat ako ng tingin sa mga apo nya at lahat sila ay mga naka-tingin sa akin na tila ba inaabangan ang sasabihin ko. Natigil ang titig ko kay Axel na kanina pang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko alam pero may kung ano sa titig nya sa akin pero hindi ko na iyon pinansin at ibinalik kay Lei ang tingin.

"May I see her scans?" tanong ko dito. Inabot nya agad ito sa akin.

"Yan yung scan sa hospital sa Asturias. Dated a week ago," sabi nya sa akin.

"I need an updated one," sabi ko habang tinitignan ito. "I need to see the patient. Sumama ka sa akin," sabi ko kay Lei.

"Okay, Dr. Fernandez" sabi nya at kinuha ang chart sa akin.

The Heir and I (COMPLETED)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum