KABANATA 30

703 16 2
                                    

Kabanata 30:



"Please calm down, Bella" sabi ni Lei at lumapit sa akin para haplusin ang braso ko.

"I can't, Lei. I can't" paulit-ulit kong sabi sa kanya.

"Bella, calm your yourself," malumanay na utos ni Lucas.

Napatingin ako kay Lucas at puro awa ang nakita ko sa mga mata nya. Tinignan ko ang mga pinsan ni Axel at ganun rin ang itsura nila.

"How, Lucas? How? That asshole is the reason why that accident happened to me in the first place!" galit na galit na sabi ko habang naka-turo kay Axel.

"I'm sorry, Bella. I'm sorry for what happened," paulit-ulit na sabi ni Axel.

"Don't you fucking dare say my name, Axel!" galit na sabi ko. "Wala ka ng kahit na anong karapatan sa akin. Lalong lalo na wala kang karapatan banggitin maski ang pangalan ko," dagdag ko at nagumpisa ng pumatak ang mga luha ko.

Natatawa akong napa-iling sa kanya, "Sorry? Para saan? Sa panggagago mo sa akin?! Gago! Kahit ilang libong sorry pa ang sabihin mo sa akin hindi na nun maibabalik ang nawala sa akin, Axel! Hindi na!" galit na galit kong sigaw sa kanya.

Walang tigil ang pag-iyak ko sa harap nilang lahat. Hinahagod ni Lei ang likod ko. Si Lucas naman ay naka-abang lang sa gilid ko. Akala ko ay kapag nakaharap ko na ulit sya ay hindi na ko iiyak. Pinangako iyon sa sarili ko dahil ayoko ng umiyak ulit na sya ang dahilan. Pinunasan ko ang luha sa mga pisngi ko at galit na tumingin sa kanya.

"Pinangako sa sarili ko na hindi na ko muling iiyak ng dahil sayo," mariing sabi ko. "Pero hindi ko maiwasan dahil alam mo kung bakit? Alam mo kung bakit?! Ha?!" sigaw ko sa kanya.

Napayuko si Axel. Ang mga pinsan nya ay napa-iwas ng tingin sa akin at si Lexie ay naluluha na ring tignan ako.

"Dahil sa tuwing makikita ko ang mukha mo, sa tuwing matitigan ko ang mukha mo, bumabalik sa akin lahat. Lahaaattt!! Ang panloloko mo at pangagago mo! Nang dahil sayo may importanteng nawala sa akin!" galit na galit na sabi ko.

"Bella, tama na. Isipin mo sya para kumalma ka," mahinahong sabi ni Lei.

Napa-tingin sa akin ang mga pinsan ni Axel. Nagtatakha ang kanilang mga mukha. Si Axel ay nanatiling naka-tungo at hindi maka-tingin sa akin.

Umiling ako, "Hindi, Lei. Sinabi ko sa sarili ko na kapag bumalik ako dito sisiguraduhin kong malalaman nya ang naging kapalit ng katarantaduhang ginawa nya sa akin. Gusto kong makita na magsisi sya sa mismong harap ko," mariing sabi ko.

Mas lalong gumuhit ang pagtatakha sa mukha ng mga pinsan nya. Pero ang galit kong mga mata ay na kay Axel lang ang atensyon.

"Nang dahil sayo, naaksidente ako. Kundi ako na-aksidente ay hindi sana sya mawawala sa akin! Nang dahil sa panloloko mo, hindi sana nawala ang magiging anak natin!" galit na sigaw ko.

Sabay-sabay na nanlaki ang mata ng mga pinsan ni Axel. At sya naman ay dahang-dahang nag-angat ng tingin sa akin.

"What did you say?" mahina ngunit malinaw nyang sabi.

"Ikaw ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang anak ko!" sigaw kong muli.

Hinawakan ko ang kwintas ko. Ipinakita ko sa kanya ang pendant kong may dugo ng anak ko... ng anak namin...

"Eto! Eto ang ibinigay sa akin ng doktor nung ibinalita nyang nawala ang anak ko ng dahil sa aksidenteng yun," sabi ko habang walang tigil ang luha ko sa pag-agos. "Eto ang dugo ng anak ko, Axel" nanghihinang sabi ko sa kanya.

The Heir and I (COMPLETED)Where stories live. Discover now