Kabanata 1:
"Bella! Bella! Isabella!"
Napatingin ako sa labas ng gate dahil sa boses na yun. Nakita ko si Lei na kumakaway sa akin. Agad akong tumayo at ibinaba ang librong binabasa ko. Lumapit ako sa gate at pinapasok sya.
"Ang aga naman ng tambay mo," sabi ko at muling umupo.
"Wow naman, good morning din sayo," sarkastikong sabi nya at umupo sa tapat ko.
Natawa naman ako sa sagot nya. Nandito kami ngayon sa bakuran namin. Dito ang tambayan ko kapag gusto ko ng sariwang hangin kapag nagbabasa.
"Well, aalukin sana kita," pandederetso nya. Tinitigan ko naman sya.
"Networking ba yan? No, thanks" sabi ko at binatukan nya naman ako.
"Anong networking ka dyan. Aalukin kita kung gusto mong magtrabaho ngayong weekend," sabi nya at kumunot naman ang noo ko.
"Anong trabaho?" tanong ko sa kanya.
Dahil nga bakasyon ngayon ay minsan tumatanggap kami ng trabaho ni Lei para naman pandagdag sa gastusin namin sa pasukan.
"Magkakaron ng event sa Casa Luciano bukas. At sabi ni Mama ay kailangan daw ng dagdag na katulong para sa paghahanda. Isasama nya ko kaya naman naisipan kong yayain ka," sagot ni Lei.
"Talaga? Anong event?" pang-uusisa ko.
"Ang sabi ni Mama ay birthday daw nung nagiisang babaeng apo ng mga Montenegro. Yung bunsong anak daw ni Senyor Maximus," paliwanag ni Lei at napa-tango tango naman ako.
"Okay, sige. Magsasabi na lang ako kay Mama," sagot ko at napangiti naman ng malaki si Lei.
"Sigurado akong mabubusog ang mata natin bukas," sabi nya na ikinatakha ko.
"Ang mata? Hindi ba dapat tyan ang mabubusog bukas?" sabi ko.
"Gaga! Malamang makikita natin yung mga apo ni Don. Tsaka malay mo mga gwapo din ang mga kaibigan non diba sa Maynila sila nagaaral," sabi nya na animoy kinikilig pa. Binatukan ko naman sya.
"Aray!" reklamo nya.
"Nananaginip ka ba? Sa tingin mo magagawa kang tignan ng mga yon? Montenegro ang mga yon kaya kahit ikaw pa ang pinaka-magandang serbidora doon bukas ay hindi ka mapapansin ng mga yon dahil iba ang buhay natin sa kanila," sabi ko sa kanya at tumingin muli sa librong binabasa ko.
"Kung sabagay, maraming magaganda sa Maynila kaya malamang may mga girlfriend na yung mga yon," sabi nya.
"Iba na lang ang pangarapin mo," natatawang sabi ko sa kanya.
"Ang bitter mo. Broken hearted ka ba?" tanong nya kaya tinaasan ko sya ng kilay.
"At sa paanong paraan ako magiging broken hearted?" mataray na sagot ko.
"Psh! Magboyfriend ka na nga, para hindi ganyang bitter ka. Si Lucas!" sabi nya sa akin.
"Oh, anong meron kay Lucas?" tanong ko.
"Hindi ba nanliligaw sayo yon? Mabait si Lucas, gwapo pa tapos anak pa ni Mayor. At hindi lang yun, parehas pa kayong gustong mag-doktor," sabi nya at natawa naman ako.
"Porket ba parehas kami ng pangarap, kailangan jowain ko na sya?" pambabara ko. Sumimangot naman sya.
"Hindi naman yon ang ibig kong sabihin no!" pagtataray nya.
BINABASA MO ANG
The Heir and I (COMPLETED)
RandomAko si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kaming namumuhay sa Asturias. Pero gumulo ang buhay ko ng makilala ko ang taga-pagmana ng pinaka-mayama...