KABANATA 29

650 17 0
                                    

Kabanata 29:


Natapos ang operasyon sa buntis na pasyente. Nailigtas namin sya at nailabas namin ang sanggol na ligtas rin. She's eight months pregnant kaya naman ligtas na para sa baby ang ilabas sya. Naka-hinga ako ng maluwag nung lumabas itong stable at no complication.

Matapos kong kausapin ang pamilya ng pasyente ay naglakad na ko patungo sa cafeteria. Pagkarating ko roon ay agad na napatayo si Lucas ng makita ako. Naglakad ako papalapit sa kanya at kita kong maglingunan sa akin ang mga kasama namin sa table na iyon.

"How's the patient?" yun agad ang isinalubong sa akin ni Lucas.

"She's fine as well as her baby," sagot ko.

Inilahad nya ang upuan sa gitna nila ni Lei kung saan nakasabit ang white coat ko. Agad akong naupo doon at nakita kong may pagkain na ko agad sa harapan.

"Pasta at sandwich ang binili namin sayo, Bella," sabi ni Lei.

Tumango ako, "Thank you. Sorry to keep you waitng. Let's eat?" tanong ko sa kanila.

Hindi ko tinatapunan ng tingin si Axel kahit ramdam ko ang tingin nya sa akin. Hindi ko magawang tignan sya dahil kada titingin ako sa kanya bumabalik sa akin ang lahat ng nangyari sa nakaraan.

"I still can't believe that we will see you again, Bella" sabi ni Kiel sa akin.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at bahagyang ngumiti pero hindi ako sumagot.

"Yeah, it's been a long time. We thought that you will be in the US for good. Ang sabi kasi ni Lucas sa amin ay wala ka pa raw balak na bumalik dito," sabi naman ni Kaiden.

"I'm sorry about what happened to you years ago. We heard that you had an accident," sabi ni Ian.

Doon ko na hindi mapigilang tignan sila isa-isa tsaka ako tumingin sa dalawang kaibigan ko na nahihiyang ngumiti sa akin. Uminom ako ng tubig bago nagsalita,

"Like you said, It's been years since that happened. Past is past, you need to move on from that. Matagal ko ng kinalimutan ang lahat ng iyon," sagot ko sa kanila.

"Yeah, but still sorry," sabi ni Lexie. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng tipid.

"I remember, sinabi ko sayo noon na hindi ka dapat humingi ng tawad kung wala ka namang kasalanan," mataman kong sabi sa kanya at nakita ko ang gulat nya. "You are not the responsible person for what happened to me almost eleven years ago," dagdag ko. Sumulyap sila kay Axel,

"That was the careless driver's fault. At may kasalanan rin ako doon. Dahil kundi ako umiiyak habang tumatawid ay hindi ako mababangga," tsaka ako sumulyap kay Axel.

It's you. Ikaw ang may kasalanan ng lahat. At ngayon, napatunayan ko ng hindi na ako marupok pagdating sayo dahil sa ginawa mo sa akin, tinuruan mong maging bato ang puso ko lalo na pagdating sayo.

"But of course, past is part of who we are today. Kung ano ako ngayon, natuto na ko sa pinakamalaking pagkakamali ko noon. At ngayon, sisiguraduhin kong hindi na ulit mauulit yon. Diba Axel?" naka-ngising sabi ko sa kanya.

Umayos ako ng upo at tinitigan sya ng maayos, "That little game of yours? That is one of my reason to be successful right now,"

Kitang-kita ko ng pag-awang ng labi nya dahil siguro hindi sya maka-paniwala na kinakausap ko sya ngayon. Ang mga kaibigan ko maging ang mga pinsan nya ay tahimik na pinapanuod kami.

"How are you and your wife, by the way? Pasensya ka na at hindi ko kayo na-congratulate nung engagement party nyo," naka-ngiting sabi ko. Hindi pa rin sya maka-sagot. "Where is she? Taking care of your children?" sunod-sunod na tanong ko.

Nagtaas ako ng kilay nung hindi sya maka-sagot. Kaya naman iiling-iling akong bumalik sa kinakain ko.

"Stunned? Oh, well, I wish for your happy and healthy life," pagtatapos ko tsaka ipinagpatuloy ang pagkain ko.

Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga kasama namin habang kalmado akong kumakain. Hindi ko naman maiwasang mapa-ngiti dahil sa mga reaksyon nila.

Umpisa pa lang yan, Axel. Umpisa pa lang...

"I'm not married," iyon ang unang lumabas sa bibig nya matapos ang mahabang katahimikan.

Tumango ako at tinapos ang pagkain ko. Uminom ako ng tubig tsaka ako muling nag-angat ng tingin sa kanya.

"What happened?" gulat kunwaring tanong ko tsaka ngumiti. "Both of you looked so happy that day. Sa sobrang saya mo nga ay nakalimutang mong ako ang girlfriend mo noon," sabi ko at sumeryeso.

"Bella..." tawag sa akin ni Lucas. Nilingon ko sya.

"Why? May mali ba sa sinabi ko? Wala! I'm just telling the truth, Lucas and I'm talking to him nicely kahit na may karapatan akong isumbat sa kanya ang lahat ng nangyari sa akin noon," galit na sabi ko.

Lucas held my hand. Ganun rin ang ginawa ni Lei sa kabilang kamay ko para pakalmahin nila ako.

"This is a cafeteria, Belle. If you want to talk, we can go some private place. Let's go to the lounge," sabi nya.

Hindi na ko naka-sagot dahil hinila na nya ako paalis ng cafeteria. Hanggang ngayon ay nagwawala ang sistema ko dahil kay Axel. At mas lalo pa kong nakakaramdam ng galit dahil sa emosyong mababasa mo sa mukha nya.

Nakarating kaming lahat sa loob ng lounge. Agad na ini-lock ni Lei ang pinto tsaka ibinaba ang blinds. Inabutan ako ng tubig ni Lucas pero hindi ko yun tinanggap. Ang mga Montenegro ay naka-tingin lang sa akin.

Si Axel ay ganun pa rin ang itsura habang naka-tingin sa akin. Yung itsura nya na minahal ko noon at kinaiinisan ko na ngayon...

The Heir and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon