KABANATA 3

928 19 0
                                    

Kabanata 3:




Ilang linggo na ang nakalipas simula nung mangyari yung party ni Ma'am Lexie sa Casa Luciano. At ilang linggo na rin ang lumipas simula nung mangyari yung nakaka-ilang na paguusap namin ni Sir Axel. Simula noon ay walang araw na sumagi sa isip ko si Sir Axel at yung itsura nya ng gabing yun. At ang ikinakatakot ko ay sa tuwing naiisip ko iyon ay bumibilis ang tibok ng puso ko.


"Ate! Ate!"


Bumalik ako sa reyalidad dahil sa yugyog ng kapatid ko. Andito kami sa sala na dalawa nanonood ng TV.


"Bakit?" tanong ko dito.


"Tawag ka ni Mama, kanina pa"


Pagkasabi nya nun ay agad kong binitawan ang librong hawak ko tsaka dumeretso sa kusina. Nakahanda na ang pagkain na dadalhin kay Papa sa sakahan. Lumapit ako dito at tinulungan si Mama sa paghahanda.


"Nariyan ka na pala," sabi ni Mama nung makalapit ako.


Nung matapos kaming maghanda ay nagpaalam na ko at nagtungo na papunta sa sakahan. Dala dala ko ang librong binabasa ko kanina sa sala, dahil balak kong magbasa doon sa sapa malapit sa sakahan. Netong mga nakaraan ay ganun ang gawain ko dahil lagi ako ang naghahatid ng pagkain ni Papa.


Ang sapang iyon ay malapit sa mga pagaaring lupa ng mga Montenegro pero hindi ko sigurado kung kanila rin iyon. Tahimik doon dahil hindi naman nadadaanan ng mga tao. Kaya naman doon ko nahiligang tumambay.


"Pa, eto na po ang pagkain nyo" sabi ko ng makarating ako sa kubo.


"Tara na, kumain na tayo,"


Nagsimula na kaming kumain ni Papa kasabay ang iba pang mga trabahador. At nung matapos kami ay nagpaalam na ko kay Papa. Tinahak ko na ang daan patungo sa sapa, nung makarating ako ay agad akong dumeretso sa puno na madalas kong inuupuan. Iginala ko pa muna ang tingin ko sa paligid para siguraduhing walang ibang tao. Tsaka ako nagsimulang magbasa.


Tahimik sa sapa katulad nung mga nakaraang araw. Ang ingay na tanging naririnig mo lang ay ang agos ng tubig at wasiwas ng hangin sa mga halaman at puno. Nadiskubre ko to nung ilang araw pa lang mula nung unang hatid ko ng pagkain kay Papa. Kaya simula noon ay kapag may pagkakataon ay dito ako tumatambay lalo na kapag bakasyon. Nadala ko na rin dito si Lei minsan at maski sya ay nagustuhan ang lugar na ito.


Libang na libang ako sa librong binabasa ko. Isa ito sa mga medical book na paborito ko dahil andito yung mga procedure ng iba't ibang heart surgery. Pangarap kong maging isang surgeon dahil nga nangako ako sa sarili ko na gagawa ako ng paraan para magamot ang kondisyon ng kapatid ko. Simula nung maospital kasi ito ay namangha ako sa mga doktor na tumingin sa kanya. Mga suot nila at mga gamit nila. Simula din noon ay sinabi ko sa mga magulang kong gusto kong maging doktor. Kaya naman nung magtungtong ako ng high school ay nahilig na ko sa pagbabasa ng medical books. Ito rin ang hilig kong hanapin sa library ng mga Montenegro noon, dahil napakaraming iba't ibang libro doon ang makikita mo.


Nasa ganoon akong posisyon ng makarinig ako ng tunog ng mga kabayo. Kaya naman hinanap ko ito ngunit wala akong makita kaya naman bumalik na ulit ako sa pagbabasa. Pero hindi nagtagal ay nakarinig na ko ng ingay ng tao. Mga naguusap at nagtatawanan. Pero dahil akala ko ay mapapadaan lang ay di na ko lumingon at itinuon na ang sarili ko sa librong binabasa.


"Bella?"


Doon ako nag-angat ng tingin at nagulat akong makita si Lucas na papalapit sa akin.


"Lucas? Anong ginagawa mo dito?" takhang tanong ko.


"Tatambay kami dito," naka-ngiting sabi nya.


The Heir and I (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant