KABANATA 21

605 13 0
                                    

Kabanata 21:



"Hi, Bella! Are you free tonight? We're having a party!"

Napalingon ako sa kaklase kong si Madelaine. Naka-ngiti sya sa akin at nginitian ko naman sya.

"Where?" naka-ngiting tanong ko.

"At my house! You can bring someone too!" maligayang sagot nya.

Tumango naman ako, "Sure! I'll be there!" sagot ko sa kanya.

"Great! See you there, then?" sabi nya.

"See you!" sabi ko sa kanya.

Nagpaalam na sya sa akin at lumabas na sa classroom. Ako naman ay inayos na ang mga gamit ko at binitbit ang mga librong ginamit ko. Katatapos lang kase ng tatlong oras kong klase ngayong araw.

"Inaya ka ni Madelaine?"

Iyon ang ibinungad sa akin ni Lucas nung makalabas ako ng room. Nakatayo na sya sa gilid ng pintuan at inaantay ako. Kinuha nya ang librong dala ko at sabay kaming naglakad sa corridor.

"Oo, may party daw sa bahay nya mamaya" sagot ko sa kaibigan ko.

Napatingin sya sa akin ng salubong ang kilay. Kaya naman nginitian ko lang sya.

"Pumayag ka?" tanong nya.

Tumango ako bilang sagot at mas lalong kumunot ang noo nya.

"Hindi mo ba naalala ang araw na to? Birthday ni Lei! Nangako tayong tatawagan natin sya pagkatapos ng klase natin!" sabi sa akin ni Lucas.

"Oh, shit! Nakalimutan ko!" sabi ko sabay sapo ng noo.

Napa-iling na lang si Lucas sa sinabi ko. Hindi na sya nakapagsalita pa ulit dahil pumasok na ako sa opisina ni Doctor Smith.

"Good afternoon, Doctor Smith. Here's my term paper," sabi ko at iniabot sa kanya ang papel. Ini-scan nya ang papel ko at ngumiti.

"As expected, Ms. Fernandez. You never fail to amaze me with your works! Just keep it up and I believe that you will be a fine surgeon," naka-ngiting sabi nya.

"Thank you, Dr. Smith" sabi ko at nagpaalam na.

Lumabas ako ng opisina at naabutan ko ang naka-simangot na mukha ng best friend ko. Nilapitan ko ito at pinisil ang pisngi nya.

"Don't worry, hindi na ko aattend sa party ni Madelaine. Magluluto ako para sa birthday ni Lei," sabi ko sa kanya at ngumiti.

"You really changed, Belle" sabi nya sa akin.

"Hindi naman. Ako pa rin naman to. Tsaka nawala lang talaga sa isip ko yung video call dahil sa term paper ko," sabi ko sa kanya at ngumuso.

Napa-iling na lang sya sa sinabi ko. Simula nung tumira kami ni Lucas dito sa Amerika ay lagi nya nang sinasabi na nagbago na ako. Hindi ko naman iyon namamalayan dahil alam ko sa sarili kong ako pa rin ito.

Dalawang taon na ang nakalipas simula nung ma-aksidente ako. Ayon kay Lucas at Lei ay tatlong araw akong tulog ng dahil doon kaya naman laking pasalamat nila ng magising ako. Umiyak pa si Mama at Lei nung magmulat ako ng mata ko.

Pero nung magising ako ay bumalik din sa isip ko ang dahilan kung bakit ako naaksidente. Nasasaktan pa rin ako ng maalala ko ang gabing yun nung magising ako. Maging sina Lexie o kung sino mang Montenegro ay ayaw kong makita dahil sa nangyari. Ang sabi sa akin ni Lei ay sinugod daw ni Lucas si Axel nung gabing ma-aksidente ako. Hindi na rin naman ako nagtanong kung bakit dahil alam ko ang dahilan ni Lucas para gawin yun. Matapos ang isang linggo ay nakalabas na ko ng ospital. Agad akong bumalik sa school at nagulat pa ang ilan na makita ako. Agad din akong nagdesisyon na tanggapin ang scholarship sa Amerika nung makabalik ako.

The Heir and I (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora