KABANATA 31

737 19 1
                                    

Kabanata 31:






Ilang araw na ang lumipas simula nung sagutan namin ni Axel at nung malaman nya ang totoo. Simula noon ay lagi ko syang nakikita sa kwarto ni Donya Juana kasama ang mg pinsan nya. Simula rin ng araw na yon ay palaging may nagbibigay ng bulaklak sa akin. Hindi naman ako tanga at manhid para masabing hindi kay Axel galing ang lahat ng iyon. Alam ko dahil sa mga mensaheng nakalagay sa mga bulaklak na iyon.



Hindi naman porket nasabi ko na sa kanya ang totoo ay babalik na kami sa dati. Buo pa rin ang desisyon kong hindi sya muli hayaan sa buhay ko...


"Bellski oh! Bulaklak nanaman galing doon sa admirer mo!"



Nabalik ako sa wisyo ng lumapit sa akin si Lei na may dalang isang boquet ng tulips. Tinignan ko ito bago inilipat ang tingin sa kanya.



"Sayo na yan," sabi ko at nagtungo sa elevator.



"Ha? Aanhin ko naman to?" takhang tanong nya.




Ngumisi ako, "Aanhin ko rin yan? Magagamit ko ba yan para manligtas ng buhay?" masungit na sabi ko.




"Grabe ka naman! Hindi mo ba na-appreciate yung effort nya sa pagbigay neto?" naka-ngusong tanong ng kaibigan ko.




Pumasok ako ng elevator at sumunod naman sa akin si Lei bitbit ang bulaklak.




"Kahit isang truck pa ng bulaklak ang ipadala nya araw-araw, hindi non mapapalitan yung kasalanang ginawa nya sa akin," mariing sabi ko.




"Haysss... para namang nagsisisi na yung tao, Bella. Tuwing makikita ko nga yon, parang wala laging tulog," pangongonsensya nya.




Hindi ko na sinagot si Lei dahil alam kong hahaba lang ang usapan. Ano namang pake ko kung di sya nakakatulog? Nasa akin ba ang kama nya? Pati pagtulog nya kailangan kong problemahin?




Hanggang sa makarating kami sa floor ng kwarto ni Donya Juana ay bitbit ni Lei ang bulaklak. Naglakad lang ako hanggang sa makarating sa kwarto nito. Pagkapasok namin ay agad na napatingin ang mga nasa loob. Tumayo si Lucas at kunot-noong tumingin kay Lei.



"Sino nagbigay sayo nyan??" iritang tanong nya. Natawa na lang ako,




"Admirer nya," pang-aasar ko kay Lucas. Tiignan nya ako ng masama kaya mas natawa ako.




"Hindi sakin to! Kay Bella to, ayaw nya lang tanggapin!" depensa ni Lei sa boyfriend nya.



"Hindi ko naman kasi kailangan yan. Di naman yan nakaka-gamot ng pasyente," masungit na sabi ko.



Nagtawanan ang mga pinsan ni Axel at inasar sya. Napatingin naman ako sa kanila at kita ko ang pagsama ng tingin nito sa mga pinsan nya. Napalingon sya sa akin at umayos ng upo ng makita nya akong nakatingin sa kanya.



"Have you eaten already?" tanong nya sa akin.




Tinaasan ko sya ng kilay, "Why do you care?" masungit na tanong ko.




Hindi ko na sya inintay pang maka-sagot. Pumasok na ko sa kwarto ni Donya Juana. Sumunod rin si Lei sa akin. Katulad ng mga nakaraang araw ay kinamusta ko lang ang lagay ng Donya. Sa isang araw na ang surgery nya kaya naman minomonitor ko talaga sya. Nung matapos kami ay lumabas na rin kami agad ni Lei para makapag-pahinga na ang Donya.




"You both done with your duty, right?"




Yun ang salubong sa amin ni Lucas. Napatango naman si Lei kaya naman kunot-noong tumango rin ako sa kanya. Nagtakha ako nung ngumiti ng malaki si Lucas.




The Heir and I (COMPLETED)Where stories live. Discover now