KABANATA 13

618 19 0
                                    

Kabanata 13:




"Sana talaga makakuha ako ng scholarship..."


Pagmamaktol na sabi ni Lei sa harap namin. Andito kami sa canteen at kumakain ng lunch. Kakatapos lang ng exam namin para sa scholarship at simula ng makalabas kami ng room ay walang ibang ginawa si Lei kundi ang magmaktol tungkol sa exam. Aniya'y ang hirap daw at hindi nya inaasahan na ganun ang lalabas. Totoo naman ang sinabi nya. Kahit na ako nga ay matagal ng nagrereview para don ay nahirapan rin. Makikita talaga sa exam na yun na hindi basta basta ibinibigay ang scholarship sa kahit sino.


Natawa si Lucas sa kanya, "Kumain ka na lang dyan. Kahit naman umiyak ka pa maghapon tapos na yung exam," sabi nya.


Sumimangot si Lei sa kanya at tinusok-tusok ang pagkain nya. Napapa-iling na lang ako dahil alam kong kinakabahan sya.


"Magtiwala ka sa mga sagot mo. Nagreview ka naman kaya imposible hindi ka makapasa," sabi ko sa kanya.


Mas lalo pa syang ngumuso, "Nasasabi mo yan kasi ang talino mo. Hindi mahirap sayo yung mga ganun," aniya.


"Nahirapan din naman ako," natatawang sabi ko. "Tsaka hindi naman sila magbibigay ng madaling exam sa mga ganung bigating scholarship," dagdag ko pa.


Hindi na sya sumagot kaya naman nagpatuloy kami sa pagkain. Malaking tulong rin kasi kapag nakakuha kami ng scholarship na iyon. Buong pagaaral namin ng kolehiyo ay sagot na ng scholarship na iyon. Kaya naiintindihan ko ang pagkalugmok ni Lei ngayon.


Maski ako nga ay napepressure habang nagsasagot kanina. Kung hindi ko lang inaalala yung mensahe ni Axel kanina bago ako pumasok ay hindi gagaan ang loob ako...


Axel:

Good morning, beautiful. Good luck on your exam today. Just take a deep breath and calm your mind. I know you can do it. I miss you...


Kaya naman naka-ngiti ako papasok at nung magmula ang exam. Nagkwentuhan pa kami dahil wala na rin naman kaming klase ngayong hapon. Halfday lang ang pasok dahil sa exam na iyon. Napagdesisyunan rin namin ni Lei na manood ng practice ni Lucas dahil wala rin naman kaming gagawin.


Nung matapos kaming mag-lunch ay dumeretso na kami sa covered court samantalang si Lucas ay nagpunta na sa locker room nila. Kami naman ay umupo na sa isa sa mga benches dito.


"Yung foundatiom day na lang ang aasikasuhin natin, Bells. Pagkatapos nun ay maluwag na ang schedule natin. Pwede na kayong magdate kahit saan ni Axel," naka-ngising sabi ni Lei sa akin.


"Ako lang ang luluwag ang schedule. Sya ay may pasok pa rin," sabi ko kay Lei.


"Malay mo naman dalhin ka nya sa Maynila diba?" sabi nya pa. Napa-iling naman ako.


"Bakit naman namin kailangan magpunta ng Maynila? Pwede naman kaming magdate dito," sabi ko at ngumisi naman sya.


"Ang swerte mo talaga kay Axel no? Biruin mo kahit wala sya dito, ramdam mo pa rin ang panliligaw nya," biglang sabi ni Lei. Natawa na lang ako dahil ayan nanaman sya sa mga imahinasyon nya.


Humarap sya sa akin, "Pero mas swerte sya sayo," sabay turo sa mukha ko. "Tignan mo naman. Ang babaeng pinapantasya dito sa Asturias. Ang babaeng maganda, matalino, at mabait sa kanya lang nagkagusto. Ano pa ba ang hihilingin nya doon?" sabi nya habang nakatingin sa akin.


Tinawanan ko sya at hinampas ang kamay. Kung ano ano nanaman ang lumalabas sa bibig neto. Napa-iling na lang ako sa kanya at hindi na sinagot. Maya-maya lang ay nagsimula na ang practice nila Lucas. Ngumiti at kumaway pa nga sa akin si Matt kaya naman nginitian ko rin sya pabalik. Di kalaunan ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko...


Axel:

How was you exam? Are you home?


Napa-ngiti ako sa nabasa ko. Talagang tanda nya ang tapos ng exam ko ah. Eh, nung nakaraan pa namin yun napagusapan.


Ako:

Okay naman. Mahirap pero kinaya ko naman. Wala pa ko sa bahay...


Mabilis syang nakapag-reply agad. Wala ba tong klase?


Axel:

Where are you then?


Ako:

Nasa court. Nanonood kami ng practice game ni Lucas.


Wala pang isang minuto ay nakatanggap na agad ako ng reply sa kanya.


Axel:

You don't have plans? Ngayon ka lang ata nanood ng practice nya


Ako:

Ngayon lang din kasi kami nagkaroon ng oras para manuod.


Axel:

Okay. Just look only at Lucas. See you soon. Take care, I love you...


Hindi ko maiwasang mapa-iling sa mensahe nya. Napaka-seloso!


Tinitigan ko ang huling parte ng message nya. Yung 'I love you' nya. Ilang beses na nyang sinabi sa akin yan pero ang nagustuhan ko ron ay yung pinaramdam nya muna sa akin yung salitang yun bago nya sinabi. Hindi ko pa sya sinasabihan simula nung manligaw sya dahil gusto kong sabihin yun kapag sasagutin ko na sya. Hindi rin naman sya nagtatanong kapag hindi sya nakakatanggap ng response sa akin kapag sinasabi nya iyon. Marahil ay naiintindihan na nya ang gusto kong iparating.


Sa lahat ng lalakeng nagtangkang manligaw sa akin ay si Axel ang naiiba. Pwera na lang kay Lucas dahil si Lucas ay una pa lang kaibigan na ang tingin ko at tingin ko ay di na mababago yun. Pero si Axel? Sya yung tipo ng lalake na hihilingin ng kahit na sinong babae. Dahil obvious naman sa itsura nya at estado nya. Pero ang nagustuhan ko sa kanya ay kapag nakilala mo na talaga sya. Sya yung lalaking magpaparamdam sayo na mahalaga ka at dapat kang ingatan.


Ipinilig ko na lang ang ulo ko sa mga isipin ko. Masyado ko lang siguro sya namimiss dahil ilang araw na kaming hindi nagkikita. Tinitigan ko ang best friend kong pinagkakaguluhan ng mga babae. Sana makita nya yung babaeng kayang tapatan yung pagmamahal na kaya nyang ibigay. Kapag nangyari yun, ako na ang isa sa pinaka-masayang best friend sa mundo.


Hindi naman kasi mahirap gustuhin si Lucas. Mabait at gentleman. Nagiging suplado nga lang kapag bad mood sya pero sa lahat lahat. Boyfriend material sya. Kundi ko lang sya nakilala as kaibigan ay baka hinayaan ko na rin syang pumasok sa buhay ko bilang manliligaw.


"Grabe, hindi ba napapagod kakatili tong mga babaeng to?"


Natawa ako sa sinabi ni Lei. Paano ba naman kasi ang mga nanonood na babae dito, kada shoot ng bola ni Lucas ay palakas na ng palakas ang tilian. Ako ang nahihirapan para sa mga lalamunan nila eh.


"Hindi naman lalamunan mo ang ginagamit nila," simpleng sabi ko.


Sinamaan nya ako ng tingin, "Bwiset ka! Hindi naman ako sisigaw ng ganyan para s lalake no!" masungit na bulyaw nya.


Maya-maya lang ay natapos na ang practice game nila Lucas. Panalo sila kaya naman tumayo na kami ni Lei at sumenyas kay Lucas na uuwi na. Alam naman kasi naming matatagalan pa sya dahil kakausapin pa sila ng coach nila.


Pagkalabas namin ng court ay agad na kaming naglakad papuntang parking lot. Sa malayo pa lang ay natanaw na namin ang itim na sasakyan nila Axel at si Mang Julian. Nung makita nya kami ay agad syang kumilos para buksan ang pinto ng sasakyan.


As usual pagkasakay namin ay may bulaklak nanaman na nakalagay sa upuan ko. Nagmaneho na agad si Mang Julian pagkapasok nya papunta sa bahay.

The Heir and I (COMPLETED)Where stories live. Discover now