KABANATA 6

796 23 0
                                    

Kabanata 6:




Nakatitig kami sa isa't isa hanggang sa makarinig kami ng ingay ng mga taong papalapit sa kusina. Agad akong napabitaw sa kamay ni Sir Axel at lumapit sa kaserola para patayin ang kalan. Binuksan ko ito at umalingasaw ang amoy ng Adobo.


"Pwede mo ng tikman ang luto mo, Sir Axel" sabi ko at nahihiyang mag-abot sa kanya ng kutsara.


Lumapit sya tsaka kinuha ang kutsara. Nilagyan ko ito ng sabaw at pinanood syang tikman ang luto nya.


"Ano pong lasa?" tanong ko sa kanya.


"Why don't you taste it?" sabi nya at itinuro ang luto nya.

Tumango ako at kumuha rin ng kutsara. Tinikman ko ang luto nya at wala sa sariling napangiti ako nung malasahan ito. Napatingin ako sa kanya at napatango.


"Masarap po sya. Lalo na ito ang unang beses nyong magluto," sabi ko sa kanya.


"Ate Cecil! That smells delicious!"


Walang habas na pumasok si Sir Kiel sa kusina kaya naman pare-parehas kaming napatigil ng makita ang isa't isa. Nagpapalit-palit ang tingin nya sa akin at kay Sir Axel.


"Oh, sorry guys! Didn't know you're here" sabi nya at ngi-ngising ngisi pumasok muli.


"That asshole is thinking of something," sabi ni Sir Axel at humarap sa niluto nya.


"Dalhin na po natin ito doon para matikman nila ang luto nyo. Kukuha lang po ako ng lagayan," sabi ko.


Umalis ako sa tabi nya at kumuha ng pwedeng lagayan ng Adobo. Nung makakuha ako ay bumalik ako para magsalin doon. Nung matapos na ay bigla itong kinuha sa akin ni Sir Axel.


"I'll carry this. Let's go to the dining to feed those special children" sabi nya.


Nagpigil naman akong tumawa dahil sa itinawag nya sa mga pinsan nya. Sumunod ako sa kanya at nakita ko ang mga pinsan nyang nakangiti na agad sa aming dalawa lalo na kay Sir Axel. Inilapag ni Sir Axel ang niluto nyang Adobo sa harap ng mga pinsan nya. Ako naman ay inilapag ang mga kutsara na pwede nilang gamitin.


"Taste that and don't say anything," sabi nya.


Agad na kumuha ng kanya kanyang kutsara ang mga ito at isa isang tinikman ang luto ni Sir Axel. Napangiti agad sila at napatingin sa akin.


"You cooked this, Bells?" tanong ni Ma'am Lexie sa akin. Ngumiti naman ako at umiling.


"Si Sir Axel po ang nagluto nyan, Ma'am Lexie. Tinuruan ko lang po sya," sagot ko.


Sabay-sabay na naglipat ng tingin ang magpipinsan kay Sir Axel na nakangisi na sa kanila. Bakas sa mga itsura nito ang gulat.


"You cooked this, Axel??" hindi maka-paniwalang tanong ni Sir Tristan.


"Why? Can't believe that I can do it?" mayabang na tanong ni Sir Axel.


Biglang tumawa si Sir Ian na sinundan din ng iba pang Montenegro kaya naman sinamaan sila ng tingin ni Sir Axel.


"What the hell? You even can't fry an egg properly and all of a sudden you know how to cook Adobo?" manghang tanong ni Sir Ian.


"Maybe because of the one who's teaching him..." naka-ngising sabi ni Sir Kaiden at sinulyapan ako. Ramdam ko namang namula ang pisngi ko sa sinabi nya.


The Heir and I (COMPLETED)Where stories live. Discover now