KABANATA 18

575 18 0
                                    

Kabanata 18:



"Ms. Fernandez, Mr. President wants you in his office,"

Napabaling ako kay Ms. Gonzaga ng banggitin nya iyon.

"Okay po, Ma'am" sagot ko dito.

Hindi ko alam kung bakit ako pinapatawag sa President's Office dahil yung huli ay yung tinour ko si Axel sa buong school.

"Bakit ka kaya pinatawag?" tanong ni Lei sa akin.

"Do you want us to come with you, Belle?" tanong ni Lucas.

"Hindi na. Saglit lang naman siguro iyon. Intayin nyo na lang ako," sabi ko sa kanila.

Tumango na silang dalawa at lumabas na kami ng room. Nung nakarating na kami sa baba ng building ay naghiwalay na rin kami. Ako na lang ang nagtungo papunta sa President's Office. Nung nakarating ako ay agad rin akong kumatok at pumasok.

Pinaderetso na ko ni Miss sa loob dahil nandoon na raw si Mr. President. Pumasok ako at nakita ko si Mr. President na nakatingin sa papel sa harap nya.

"Good afternoon, Mr. President" sabi ko sa kanya.

Nag-angat sya ng tingin sa akin at ngumiti. Isinenyas nya ang upuan sa harap nya kaya naman umupo ako doon.

"Hindi na ko magpapaliguy-liguy pa, Ms. Fernandez," sabi nya at kinabahan naman ako. Hindi ako nagsalita at nakinig lang sa kanya.

"I called you here because I already received the result of your scholarship exam. As expected, you never fail our school," maganda ang ngiti nya sa akin.

"Bakit po?" kabadong tanong ko.

"You have two grants of scholarship and based on the profession you choose. This two scholarship will benefit you both but it is up to you what school will you choose," sabi nya sa akin.

Nagulat ako doon at napatitig sa kanya. Himdi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil doon. Ang gandang offer niyon kahit hindi ko pa alam ay natutuwa na ko dahil kahit anong piliin ko ay makakatulong na ko sa mga magulang ko.

"Ano pong school ang nag-offer?" tanong ko.

Umayos sya ng upo, "The one is a well-known university in Manila for Medicine and the other one is also well-known Medical School in US," paliwanag nya. Sabay abot sa akin ng dalawang papel, "That's their letter for you. It's up to you, Ms. Fernandez kung anong school ang pipiliin mo. But I suggest and hope that you will choose the Medical School in US because you have a potential. A big potential, so I want you to use that opportunity to be succesful in your chosen profession," sabi nya sa akin.

Napa-isip ako doon at naalala ang mga taong maiiwan ko dito kung sakaling piliin ko ang school na iyon sa Amerika. Kasi kung pipiliin ko ang Maynila ay maaari kong bisitahin sila Mama dito at pwede kong makasama roon si Axel maging ang mga kaibigan ko. Pero hindi ko maiwasang isipin na tama rin si Mr. President. Magandang oportunidad ang makapag-aral ako sa Amerika.

"Pag-iisipan ko pong mabuti ito, Mr. President. Iisipin ko pa po ang gastos namin," sabi ko sa kanya. Kumunot ang noo nya.

"You don't have to worry with the expenses, Ms. Fernandez. They both shoulder all your expenses even your accommodation. So, I hope you choose the right one," sabi nya sa akin.

"I will, Mr. President. Salamat po," sabi ko s kanya.

Nagpaalam na rin ako agad. Para kong nakalutang habang papunta sa mga kaibigan ko. Hindi ko alam kung ano ang pipiliin ko. Alam kong kailangan kong pagisipang mabuti ito. Maraming tao ang kailangan kong kausapin tungkol dito. Ng mga magulang ko, ang mga kaibigan ko, at si Axel...

"Ano? Bakit ka pinatawag?"

Napabalik ako sa wisyo dahil sa tanong ni Lei. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa kanila. Tinignan ko silang dalawa na nag-aabang ng sasabihin ko. Huminga ako ng malalim at iniabot sa kanila ang dalawang envelope. Agad na kinuha ito ni Lei at tinignan nila ito ni Lucas.

"UST?! Diba sa Maynila ito?" gulat na sabi ni Lei.

"Boston University?" gulat na ani Lucas.

"Ito ba yung sa scholarship mo, Belle?" tanong ni Lei at tumango ako.

Nagbuntong-hininga ako, "Ang sabi ni Mr. President ay kailangan kong mamili kung anong grant ang gusto ko," sabay tingin ko sa kanilang dalawa.

"Hindi ba sa Amerika itong isa?" takhang tanong ni Lei.

"Oo. Ang sabi nya ay magandang oportunidad daw iyang sa Amerika kaya sana yan daw ang piliin ko,"

"Oo nga, Belle! Sigurado akong magiging magaling kang doktor kapag dito ka nag-aral!" excited pang sabi ni Lei.

"Paano si Axel?" tanong bigla ni Lucas. Napatitig ako sa kanya at nagkibit balikat.

"Susubukan kong kausapin sya tungkol dyan pero sa ngayon ay gusto ko munang maka-usap ang mga magulang ko. Tsaka na ko iisip ng paraan para sabihin kay Axel iyon," sabi ko sa kanilang dalawa.

Napatango-tango sila pareho, "Well, kung ano man ang piliin mo ay nandito lang kami para sayo," sabi ni Lei.

"Yes, we will support your decision, Belle" sabi naman ni Lucas.

Ngumiti ako sa kanila, "Thank you"

Hanggang sa umuwi kami ay inaalala ko pa rin kung paano ko sasabihin kay Axel iyong balitang natanggap ko. Gustong gusto ko talaga piliin ang mag-aral sa Amerika. Lalo na at wala na kong iintindihing gastos. Madali lang kausapin ang mga magulang ko kapag iyon ang pinili ko. Ang hindi ko alam ay ang magiging reaksyon ni Axel tungkol dito.

Lalo na nung may isang balita pa ko nalaman na syang nagpagulat ng husto sa akin...

The Heir and I (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon