KABANATA 4

891 17 0
                                    

Kabanata 4:



"Ma, pupunta lang po ako sa bayan. Bibili ako ng libro," paalam ko kay Mama.

"Sya sige. Bumalik ka agad dahil walang kasama ang kapatid mo," sabi nya at tumango naman ako.

Umakyat na ko sa kwarto para magbihis. Nagsuot lang ako ng palda at t-shirt. Ang usual na isinusuot ko kapag lumalabas ako. Inilaladlad ko ang buhok ko matapos ko itong suklayin. Nung makuntento na ako ay lumabas na ko ng kwarto at nagpaalam na kay Mama.

Sumakay na ako ng tricycle papunta sa bayan. Nung makarating ako doon ay dumaan muna ako sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Lei. Nung nakaraan kasi ay bumisita sya sa bahay at ibinalita sa akin na magsasummer job daw sya dito sa coffee shop sa bayan. Kaya naman nung pumasok ako ay agad akong dumeretso sa counter.

"Bella!" gulat na tawag ni Lei. Napalakas ito kaya napatingin ang ibang customer sa amin.

"Ang ingay mo..." natatawang sabi ko sa kanya. Napatakip naman sya ng bibig.

"Anong ginagawa mo dito? Bibili ka ba?" tanong nya at umiling naman ako.

Magsasalita na sana ako ng mapatingin sya sa may pintuan at manlaki ang mata. Kaya naman tumingin rin ako sa tinitignan nya. Natigilan ako ng makita ko si Sir Axel na pumasok kasama ang isang magandang babae. Sa itsura pa lang ng babae ay mukhang mayaman rin ito. Maganda, makinis at mahaba ang itim nitong buhok. Nakakapit sya sa braso ni Sir Axel habang kinakausap ito. Inilipat ko ang tingin ko kay Sir Axel pero nagulat ako ng makitang nakatingin sya sa akin. Bakas rin ang gulat sa mukha nya. Iniiwas ko na ang tingin ko at ibinalik kay Lei. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng parang may tumusok sa puso ko. Lalo na nung makita ko kung paano tumingin at ngumiti yung babae kay Sir Axel...

"Bellski, may customer" sabi ni Lei nung makalapit sila Sir Axel.

"Ayy, sorry..." sabi ko at umusod.

Tahimik lang ako dito sa gilid habang tinitignan ko si Lei na kinukuha ang order nila Sir Axel. Ramdam ko ang paninitig ni Sir Axel pero di ko nagawang tignan sya. Tipid na ngiti kong pinanood si Lei na maghanda ng order.

"Ano, Bells? May gusto ka ba?" tanong nya habang gumagawa ng kape.

"Wala naman..." sagot ko.

Napatingin sya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Pero bago yun ay nahagip ko ang tingin ni Sir Axel sa akin.

"Can you make it fast?"

Sabay kaming napatingin sa babaeng kasama ni Sir Axel nung sabihin nya yun. Nataranta naman si Lei kaya nagmadali itong kumilos.

"Stacey, don't make a scene here" seryosong sabi ni Sir Axel.

"But, Axel babe, she's too slow" reklamo nung babae at tinignan ng masama si Lei.

Babe? Girlfriend siguro ni Sir Axel. Sabi naman sayo Bella eh. May girlfriend na yung tao kaya wala lang yung mga ikinilos nya nung nakaraan...

Yun na lang ang sabi ko sa sarili ko. Tinignan ko silang dalawa at nakita kong bagay na bagay sila. Parehas mayaman, maganda at gwapo. Samantalang ako, eto, isang simpleng babae na nangangarap maging isang doktor.

Napa-iling ako sa naiisip ko. Hindi ko namalayan ay nakatingin na rin pala sa akin si Sir Axel kaya mabilis kong naiiwas ang tingin sa kanila.

"Here's your order, Ma'am, Sir" sabi ni Lei sabay abot ng coffee nila.

Nagpasalamat si Sir Axel at umupo sila sa pandalawahang table sa shop. Lumapit naman sa akin si Lei habang nakatingin doon sa dalawa.

"Girlfriend siguro ni Sir Axel yun," sabi nya habang nakatingin sa kanila.

The Heir and I (COMPLETED)Where stories live. Discover now