KABANATA 26

618 15 0
                                    

Kabanata 26:



Mabilis na lumipas ang araw at limang buwan na mula nung naka-uwi ako dito sa Pilipinas. Successful ang naging operation ni Charles maging ang recovery nya.

Nung isang buwan ay umuwi na sila sa Asturias. Ayaw ko pa nga silang pauwiin dahil sapat naman ang mga kwarto ko penthouse ko. Pero ang sabi ni Mama ay kailangan na nyang bumalik sa school dahil ilang buwan na rin syang nawala. Nung maka-ipon naman ako sa Amerika ay binili ko ang lupa na ibinebenta sa tabi ng bahay namin. At doon ko pinag-desisyunan na patigilin na si Papa sa trabaho nya sa mga Montenegro para asikasuhin ang lupang nabili namin. Si Mama naman ay ayaw huminto sa pagtuturo dahil yun daw ang nakasanayan nyang gawin. Si Charles ay matatapos na rin sa high school ngayong taon. Sa ngayon ay ipinapagawa ko ang bahay namin sa Asturias at onti-onti rin akong nakaka-ipon   para sa kolehiyo ni Charles.

"I heard that there will be incoming VIP patient today,"

Nabalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang sinabi ni Lucas. Nandito kami sa cafeteria para sa lunch. Napatitig ako sa kanya kaya naman kumunot ang noo ko.

"Yes, I also heard about that," sabi ko at nagkibit-balikat.

"May ideya kayo kung sino yung VIP patient na yun? Usap-usapan rin yun kanina sa station eh," tanong ni Lei. Napatingin naman ako kay Lucas dahil alam kong may alam sya.

"I don't know who pero ang sabi nila ay regular VIP patient daw iyon dito. Wala naman akong na-encounter na VIP mula ng magtrabaho ako dito," paliwanag nya sa amin.

"Ang usapan sa Nurse Station ay kaibigan daw ng Chief of Surgery ang pamilyang yon. Tsaka ang dinig ko ay heart patient iyon," sabi ni Lei at tumingin sa akin.

Nagkibit-balikat ako, "I don't know that patient so far. Tsaka busy rin ako dahil sunod-sunod ang long-hours surgery ko netong mga nakaraan," sabi ko sa kanila.

Nung matapos na kami ay naglakad na ulit kami pabalik sa floor namin. Habang naglalakad at nagke-kwentuhan ay naka-salubong namin si Dr. Samonte. Kaya naman huminto kami para bumati pero agad nyang inilipat ang tingin sa akin.

"Dr. Fernandez, do you have a moment?" tanong nya sa akin.

Nagtakha naman ako at napatingin sa relo ko. May oras pa naman bago ako mag-rounds sa mga patients ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at tumango.

"Yes, I still have 30 minutes before my rounds," sabi ko dito.

"Good," sabi nya at tumango, "Let's talk in the office," sabi nya at nilampasan kami.

Napatingin ako kay Lucas at Lei, sabay naman silang tumango sa akin.

"Kita na lang tayo mamayang break," sabi ko sa kanila.

Tumango na sila at sabay na umalis ako naman ay pumihit na patungo sa opisina ng Chief of Surgery. Nung makarating ako ay agad nya akong pinaupo sa couch sa may opisina nya. Naglapag din ng juice ang sekretarya nya para sa aming dalawa.

"Bakit nyo po ako pinatawag?" tanong ko nung maka-labas na ng opisina nya ang sekretarya nya.

He cleared his throat, "I want to talk to you about the incoming VIP Patient. I'm sure you heard about that," sabi nya sa akin.

Tumango ako, "Yes, one of my resident mentioned it to me," sabi ko at tatango-tango naman sya.

"Okay. So, that VIP patient is one of the regular patients of this hospital. Her family is a friend of mine and they are considered as one of the richest and powerful family in the country," panimula nya. Tumango naman ako at muling nakinig...

The Heir and I (COMPLETED)Where stories live. Discover now