Chapter 37

96 9 4
                                    

KINABUKASAN, alas sais pa lamang ng umaga ay bumyahe na kami pauwi. Ganoon pa'rin naman, magkakasabay pa'rin sila Marco sa van at tanging ako lang ang humiwalay sa'kanila bilang 'yun rin naman ang napag usapan namin ni Emman.

Before we left, Dos keep on glancing at me like I made the biggest mistake of my life for being with Emman. As much as I wanna talk to him and explain him my side, ay hindi ko na ginawa at hinayaan ko na lang rin. He's a friend of mine and time will come, maiintindihan niya rin ako.

While traveling, I keep on asking Emman random questions to keep him awake. Halos apat na oras lang kasi ang naitulog naming dalawa.

"Kamusta ang tulog mo?" Ipinatong ko ang magkabilang palad sa hita ko at pasimpling hinihila paibaba ang plaited skirt na suot ko. Pakiramdam ko kasi ay tumangkad ako dahil bahagyang lumiit sa'kin itong skirt. Hays, hindi na nga pala ako nakakapamili ng mga damit. I'll go shopping next time.

"Sakto lang. Mahaba na sa'kin yung four hours na tulog Ari." He said, smiling.

Bigla akong napatitig sa'kaniya. Bakit ba napaka gwapo niya kahit saang anggulo? Side, back and front... Lahat ang gwapo.

"Kapag normal school days, minsan 2-3 hours na lang ang itinutulog ko." Nangalumbaba ako habang pinakikinggan siyang mag kwento. "Kapag kasi Arki student ka papatayin ka ng mga plates mo. Pero on my part, hindi ko 'yun nakikita as punishment dahil mahal ko naman ang pag guhit... Dun ako masaya eh. Kaya kahit walang tulog, okay lang. Alam ko balang araw mag bubunga lahat ng pagod, ng puyat at ng paghihirap ko para sa course na 'to."

I stretched my arms and gently touched the strands of his hair, flowing freely over his eyes.

"I believe in you Architect." I smiled before leaning my head on his shoulder while he's still driving. I know, I get clingy sometimes.

Naramdaman kong dumampi ang labi niya sa tuktok ng ulo ko at awtomatiko akong pinamulahan.

"Am I over reacting Ari?" He let out a manly laugh. "First year pa lang ako pero akala mo pagod na pagod na ko. I mean, four more years are surely gonna be hell for me."

Umayos ako ng upo at tumagilid para humarap sa'kaniya.

"You're not overreacting, okay? Hindi naman porke't first year ka pa lang ay wala ka nang karapatang mapagod dahil may apat na taon pang nag hihintay sa'yo. You have the right to get stressed, to feel exhausted and get drained in times you feel tired of doing the things that worns you out. Those feelings are natural, and it's all valid. There's no exception for getting tired, cause even if you love what your doing, it doesn't guarantee that you can't get tired over it. Pagod ka kasi pagod ka, yun lang 'yon."

"Like how you certainly get tired of me?" Pumaling siya sa'kin at biglang nawala ang ngiti sa labi niya.

Napa ismid ako.

"Bakit napunta sa'kin! Tulog lang naman ang pinag uusapan natin Emman, bakit ba lumalawak masyado."

Iiling iling siyang nag balik ng mata sa daan. Ay attitude ka?!

"Hoy ang OA mo! Hindi naman umabot ng matagal na panahon yung pag iwas iwas ko sa'yo ah! Wala pa ngang one month yun eh, drama mo diyan. Napagod lang ako okay? Pero hindi naman ibig sabihin na napagod ka sa isang bagay ay hindi mo na yun mahal."

"So mahal mo ko?" Pinag taasan niya ko ng kilay kahit hindi siya naka harap sa'kin.

"Aba oo naman!"

"Mahal pa'rin?"

"Duh, Emman papayag ba kong maging girlfriend mo kung hindi kita mahal? Hindi pa ba obvious na mahal kita eh halos isugo ko na nga ang kaluluwa ko kay satanas para lang mahalin mo ako tapos mag dududa ka pa?-"

Bukas Hindi Na IkawWhere stories live. Discover now