Chapter 18

100 12 0
                                    

Naka titig ako sa kawalan nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.

"Aria." I smiled. It sounds so good in my ears. No one could ever utter my name as good as when he does it.

"Yes?"

"Is there such background why you had a phobia? I just wanna know, kasi si Maki, pakiramdam ko may phobia siya."

Bigla akong napalingon sa 'kaniya.

Sa kaso nga ni Maki ay tiyak ko na may phobia siya sa hospital, o baka sa amoy ng ospital, o pwede rin naman sa mga doktor.

"Kung ako ang tatanungin. Sa palagay ko nga ay may phobia si Maki. Pwede mo siyang dalahin sa Holy Redeemer if gusto niya, may naka assign dun na psychiatrist. Pero kung natatakot siya ay pwede ko namang tawagan si daddy, baka kasi may kilala siyang clinical psychologist." Hindi siya nag salita at tipid lang na tumango habang nakapangalumbaba.

Pinag mamasdan lang niya ako habang hinihintay akong mag patuloy sa pag sasalita.

"I'm diagnosed with acrophobia ever since I was eight. Believe it or not, at that age, I fell from a cliff. Malikot kasi talaga akong bata, hindi ko maipagkakaila 'yon. I remember, nag hiking kami non kasama ang buong family ko pati ng mga pinsan ko. At siyempre, bida bida ako 'non, nag papakitang gilas ako sa mga pinsan ko. Nag tatatalon kasi ako noong nakarating kami sa cliff, and then suddenly, I fell. Ayun, una ulo, dugo pwet."

"Jesus Christ!" nanlaki ang mata niya.

Pagak akong natawa sa naging reaksyon niya.

"Madulas kasi non dahil maputik. Nawalan ako nang balanse kaya ako nahulog. Sobrang taas raw talaga ng pinag bagsakan ko. Milagro nga raw talagang maituturing dahil nakaligtas ako. Paano'y sumabit raw kasi ako sa puno ng saging. Nawalan ako non ng malay at pag gising ko ay nasa hospital na ako. I have bondage all over my arm, I even had some fractured bones on my leg, but thankfully, I undergo a therapy kaya maayos na ako ngayon."

Tahimik lang niya akong pinag mamasdan at para siyang batang binabasahan ko ng story book. He's surprisingly adorable.

Nag patuloy na lang ako sa pag ke-kwento.

"Tapos ayon. Simula nung nangyari yung insidente na 'yon. Palagi ko nang napapanaginipan na nahuhulog ako sa mga matatas na lugar. Parang kada gabi ay may ganoon akong panaginip. Bata pa ako pero alam ko na yung pakiramdam ng matakot ng sobra dahil doon. One time, talagang humagulgol na ako ng iyak kasi nagising ako from a nightmare, which is ganoon pa 'rin, I fell on a skyscraper. That day, mom brought me to the hospital, and then my pediatrician told them that I was experiencing a phobia because of traumatic experience that happened to me back then. Tapos ayun na, doon na nila na figure out that I was acrophobic." Tipid akong ngumiti.

Walang buhay ngunit malamlam ang mata niya habang pinag mamasdan ako. Hindi ko nga alam kung nakikinig pa ba siya sa mga sinasabi ko o hindi na, dahil parang wala naman sa mga sinasabi ko ang atensyon niya kundi nasa mukha ko lang.

Nahiya tuloy ako bigla.

"Nakikinig ka ba?" tanong ko.

Saglit siyang natahimik at pinagmasdan lang ako bago unti unting gumuhit ang ngiti sa labi niya.

"You've been such a brave girl Aria."

Bukas Hindi Na IkawWhere stories live. Discover now