Chapter 8

141 12 0
                                    

It's monday morning, at pagka gising ko ay wala na sila mom at dad, well, expected ko na naman yon.

They are always busy, at kadalasan talaga ay mas marami ang iginugugol nilang oras sa pag tatrabaho kaysa sa bahay. And that's fine, I understand them, ginagawa naman nila 'yon para sa akin.

We spent our sunday together naman, family bonding ganon, or family lang, walang bonding, diko sure.

I took a quick shower. Medyo na late ang gising ko, pero okay lang, program lang naman kami ngayon.

Pagka bihis ko ay nag lagay lang ako ng liptint at mascara bago dumiretso na sa ibaba, si manang Lucy lang ang naabutan ko roon, nakita kong nakapag luto na siya ng umagahan. I was about to refuse, dahil nga late na ako.

"Oh heto, ipinag balot na lang kita, mukang na late ka ng gising eh. Kainin mo na lang yan sa byahe ha? mag iingat ka." Naka ngiti kong inabot ang bento box na bigay niya at nag pasalamat.

Dumiretso na ako sa sasakyan at inilagay ang gamit ko sa passenger seat. I drove and went straight to the campus, thank goodness it's not traffic.

Pagka park ko ng sasakyan ay dumiretso na ako sa classroom, I was half running as I reach the room.

I sighed in relief when I saw my classmates having their own businesses. Siguro ay mamaya pa mag s-start ang program.

Dumiretso na ako agad sa seat ko, at prenteng naupo. Nakapangalumbaba lang ako habang pinanonood ang mga kaklase ko, may mga kanya kanya lang silang ginagawa.

Nag kekwentuhan yung ilan, yung iba naman nag liligawan, Lol. Buti pa sila.

Napag pasyahan kong mag review na lang, tutal wala naman kaming ginagawa. Binuklat ko lang ang libro ko at nag simulang mag-aral. I ate my snack that manang Lucy prepared, while I was studying.

It took me almost an hour bago kami pinatawag ng adviser namin para mag punta sa auditorium, dahil sa gagawing program. Iniligpit ko lang ang bento box ko at ang iba ko pang gamit, binitbit ko lang ang phone ko saka wallet.

Pagkarating sa auditorium, as usual, napaka raming students sa loob at hindi ko na nahanap si Emman. I was so bored during the whole program, kahit na kailan talaga ay hindi ako nag enjoy sa mga ganito. Tinutulugan lang namin dati nila Murphy at Marco ang mga ganitong program eh.

After the program, I run hurriedly back in our classroom and took my bag. It's already past lunch, and I'm my stomach feels horrible already. Dumiretso ako sa canteen at nag hanap ng pwedeng makain.

I was thinking about buying siomai rice dahil favorite ko yun, but I ended up buying the egg and bacon sandwich instead. Ambango kasi, naakit ako.

Bumili lang ako ng two pieces ng sandwich atsaka iced tea.

I frowned when I saw how empty the seats were, inside the cafeteria. Ano ba yan, nagka sabay sabay kasi ang lunch break ngayon ng bawat year! Saan ako kakain ngayon?

Naka busangot akong nag martsa palabas ng cafeteria, napahinto ako sa pag lalakad ng may maalala akong lugar.

Napa buntong hininga ako at inisip kung dapat ba akong tumuloy sa lugar na naisip kong puntahan.

Dumiretso ako sa katabing building ng classroom ko at tumingala para tingnan kung gaano kataas ang gusali. Napa lunok ako. Jusmiyo!

Ang alam ko kasi ay open ang roof deck dito, narinig ko lang yun na pinag uusapan ng mga criminology kong kaklase, siguro ay sikreto lang 'yon.

Nag dalawang isip pa ako kung tutuloy ba ako 'ron, baka kasi himatayin ako ng wala sa oras. Pero on the other hand, wala naman akong choice, atsaka hindi naman ako lalapit sa railings, right? Right.

Bukas Hindi Na IkawWhere stories live. Discover now