Chapter 3

140 11 0
                                    

"Good morning mare!" Bati sakin ni Marco. Nag kukusot pa ng mata, naka suot lang siya ng oversized shirt at bakat na bakat ang hinaharap niya.

Demonyo talaga.

"Tanghali na gaga, maupo ka na diyan, nag luluto na 'ko. Inumin mo yung pickle juice na ginawa 'ko, saka eto." Inabot ko sakaniya yung aspirins, tinanggap naman niya at naupo na rin sa high chair. Dito sila madalas kumain ni Murphy, sa counter.

"Bad trip kay Murps! Ang lalakas ng tama nung alak na pina inom sakin! Ang sakit ng ulo ko." Ininom na niya ang gamot. Hininaan ko muna yung apoy sa stove bago ako lumapit sakaniya.

"I have this weird feeling," Sabi ko at nangalumbaba sa counter, tinaasan naman niya ako ng kilay.

"Pake ko sa weird feeling mo?"

"Siraulo ka?"

"Medyo."

"Seryoso kasi gaga, pakiramdam ko may problema si Murps." Nakatitig lang siya sakin habang sumisimsim sa juice na ginawa ko, halos maduwal duwal siya.

Gusto ko matawa. Aba! Kakainom nila yan! Mag dusa siya ngayon!

"Wala na bang ipapangit ang lasa nitong shuta na 'to?" binatukan ko lang siya, ang OA ah!

"Mas makaka recover ka sa hangover pag ininum mo yan, puro kasi kayo kagagahan eh. Usapan kagabi party lang, hindi lunurin ang bituka sa alak!" Napipilitan niyang inubos yung pickle juice na gawa ko.

"What about Murphy?" Biglang tanong niya.

"Well, hindi mo ba nahahalata?" I asked bago ako bumalik sa niluluto ko.

"Nahalata ang alin? Make it straight to the point Ari, hindi ako kasing observant mo!" Humarap ako sakaniya at napa buntong hininga.

"I don't think she's fine. Pakiramdam ko may nangyaring masama. Ewan ko, kagabi pa siya sa GC, parang andaming hanash! Tapos inaya pa tayo biglaan dito sa pad niya, eh palaging nandito si Sylv diba? pero ngayon wala siya. Tapos nagpakalasing pa siya ng husto kagabi, eh hindi naman yun pinapayagan ni Sylv na magpaka wasted ng ganon kung hindi siya kasama." Mahabang paliwanag ko.

Napa isip tuloy bigla si Marco.

"Gaga umayos ka, kinakabahan ako sa mga kutob kutob mo eh, kada nakakaramdam ka ng ganiyan, nagkaka totoo." Bumaba siya sa high stool chair at nilapitan ako para tingnan yung niluluto ko.

"Pero alam mo? Sa lahat ng mga taong malakas ang pakiramdam? Ikaw yung pinaka manhid. Langya ka, kung sa'yo mo inaapply yan! Nang hindi ka habol ng habol kay Emmanloloko!" Pinitik niya ako sa noo bago inagaw yung sandok sa kamay ko. Sinimangutan ko lang siya habang tinitikman niya yung niluto kong sinigang.

"Namemersonal ka?" I said sarcastically, natawa lang siya.

"But seriously, sa tingin mo nga hindi siya okay?" She asked before she turn the stove off. I just simply nodded my head. I was about to say something, when someone interrupted me.

"Uy! Tunog yun ng dalawang backstabber na nag uusap sa kitchen ah?"

Napalingon kami ni Marco kay Murphy na kakagising lang rin. Nag lalakad siya ngayon papunta sa direksyon namin. Dumeretso lang siya ng upo sa table at nginitian kami.

Plastikada!

Kalat kalat ang make up niya at ang gulo ng buhok, undies lang ang suot niya. Buti at kaming tatlo lang ngayon dito sa pad niya.

"Ikaw ngang gaga ka, umamin ka samin. Anong problema?" derektang tanong ni Marco rito bago ito nilapitan.

Ako naman ay inayos na ang table, hinain ko na ang ulam at kumuha na ako ng mga plato, kutsara at baso, sumandok na rin ako ng kanin at nilagay sa table.

Bukas Hindi Na IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon