Chapter 10

149 11 3
                                    

MABILIS na lumipas ang mga araw at paulit ulit lang muli ang naging takbo ng buhay ko.

Gigising, papasok at dadalahan ng makakain si Emman sa roof deck kahit pa gano'n na lamang ang takot at kabang nararamdaman ko kada aakyat ako ng building na 'yon.

Nitong mga nakaraan, walang palya kong dinadalahan si Emman ng makakain, at kahit na kailan ay hindi ako lumapit sa pwesto niya, which is malapit doon sa railings.

Dahil baka atakihin ako sa puso ng wala sa oras.

Palagi ko lang iniiwan yung bento box sa bench malapit sa lagi niyang pinipwestuhan. Hindi ko rin alam kung kinakain niya ba 'iyon o tinatapon lang. I don't care, ang mahalaga ay alam niyang may pakialam ako sa kalusugan niya kaya ko 'yon ginagawa.

Hindi ko naman rin kasi siya kinakausap o kinukumpronta tungkol sa bagay na 'iyon. Hindi kasi ako sigurado kung malamig na ba ulit ang ulo niya, para sa gayon ay pwede ko na siyang makausap ulit.

Ngunit kahit na hindi kami nag iimikan, ay alam kong aware siya na para sa'kaniya ang mga pagkaing dinadala ko sa araw araw. Napapansin ko naman kasi na lumilingon siya madalas sa gawi ko kapag dumarating ako.

May isang insidente pa nga na parang iniintay na niya talaga ang pag-dating ko dahil naka harap na siya agad sa pinto na dinaraanan ko, bagay na hindi naman niya dati ginagawa.

Agad rin naman siya noong nag iwas ng tingin, ngunit ramdam kong parang may gusto siyang sabihin, wala lang siyang lakas ng loob.

It's already midnight, maaga akong nakauwi dahil naging exempted ako sa dalawang exam ko, sa major pa. At dahil 'iyon sa ginawa kong short research paper.

Special task 'iyon na ipinagawa sa'kin ng adviser ko, at dahil natuwa siya sa kinalabasan ng output ko ay hindi na niya ako pina-take ng exam sa dalawa 'ko pang major subject na siya rin ang may handle, automatic perfect na raw ako roon.

Kakatapos pa lang ng midterms namin, at laking tulong na rin yung research paper ko dahil nabigyan ako ng perfect score para sa exams ko, tiyak na mahihila non pataas ang marka ko.

Although grabe talaga ang pagod na dinanas ko, matapos lang 'iyon. Naging aligaga ako at sobrang busy dahil roon.

*beep*

Bigla akong napamulat ng mata ng maramdaman kong tumunog ang cellphone ko.

Inalis ko ang comforter na nakapatong sa ibabaw ng aking katawan bago ko inabot ang phone ko na nakalapag sa night stand.

Agad kong binabaan ang brightness dahil bahagya akong nasilaw.

I unlocked my phone.

(Murpxx send a message to your group: Mga mare, still up? hehez)

It was a notification from my twitter account, may GC kasi kami roon. Madalas ay doon kami nag uusap, o di naman kaya ay through text lang.

May facebook ako pero hindi ako nag download ng messenger, hindi naman ako mahilig makipag usap. Isa pa ay kung hindi naman dahil sa mga memes ay hindi ako mag iinstall ng FB, Lol!

McFranco: Bakit? Magpapa barek ka ba? sagot agad.

Natawa ako sa reply ni Marco, kahit kailan talaga ay walang ibang alam ang mga ito kundi mag inom!

Bukas Hindi Na IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon