Chapter 6

115 10 0
                                    

Pagkadating sa mall, nag hiwalay muna kami ni Emman kahit hindi naman naging kami. Charot!

Naghiwalay muna kami saglit dahil nag paalam siya na may pupuntahan daw siya at bibilihin, yung libro ata ang tinutukoy niya.

Pero siguro umiiwas na lang rin siya na sumama samin dahil puro nga kami babae.

Well, okay lang naman dahil sakin parin naman siya mamaya. I mean, sakin parin siya sasabay, mag kikita na lang raw kami sa entrance ng mall around 5pm. So I had to let him go kahit pa alam kong mamimiss ko siya. I just gave him a flying kiss during his off.

Nasa loob na kami ngayon ng outlet store. I'm with Murphy and Marco, magkakasama kami mag shopping dahil pare-pareho naman ang mga brand na gusto namin. Dati hindi ako maalam sa mga brand brand na yan, pero dahil sakanila, nahawa na tuloy ako.

"Which one looks hotter?" Murphy asked out of the blue, napa angat tuloy ako ng tingin sakaniya.

She just got out from the fitting room. While Marco is fitting a pair of shoes, she's currently sitting on a couch and she's being assisted by a sales lady. Sinenyasan niya lang ang sales lady na iwan muna kami, tumango naman ito at umalis rin agad.

"Mas in favor ako sa black, simple but elegant." I suggested. Tinuro ko pa ang black dress na hawak niya sa kanang kamay. Murphy arched her brow, not minding me. Bastos ka ghorl?!

"Wala ka namang ibang alam kundi itim, so shut up." Inirapan niya ako, natawa na lang ako sa attitude niya. "Which one looks nicer Marco?" Itinapat niya kay Marco yung dalawang dress.

Marco stopped from putting the strap on her shoe before she held her chin and looked up, naningkit pa ang mga mata niya, iniisip kung ano bang mas bagay.

"I agree with Ari, the black dress looks simple and elegant--"

"See, Murphy? I told you-"

"Hindi pa ako tapos mag salita Aria wag kang bastos! Usapan to ng mga asia's next top model kaya wag kang mang himasok diyan." Natawa lang ako dahil sa kabastusan ng bibig ni Marco. Ang feeling nung Asia's next top model ha!

Binato ko lang sakaniya yung hawak kong sapatos, naka iwas naman siya. Bumalik na rin ako sa pag susukat ng shoes habang lihim silang pinakikinggan.

"Simple yet elegant yung black, pero mas babastusin kasi yung isa eh. Kaya dun ako sa mas bastusin at daring syempre, yung red velvet ang piliin mo." Lihim na lang akong natawa.

Murphy said 'okay' and picked the red velvet dress instead of the black one, masyado 'yong showy, pero oh well, mas gusto nga nila yon.

Nag patuloy na kami sa pag pili, at bandang huli, dalawang dress lang ang nabili ko. Hindi ko masyadong bet yung mga best seller nilang shoes eh. Puro kasi mga stiletto at ankle strap heels ang mga 'yon, eh marami na naman ako nun eh. I want pumps and vintage shoes!

Nakipag plastikan lang saglit si Marco sa mga saleslady bago kami tuluyang lumabas ng store.

"Andami mo namang binili Marco, first store pa lang tayo." I said while looking at her hands, she's already holding four paper bags. Bahala siya, di ko siya tutulungan mag buhat.

"Wala akong mapag lagyan ng pera ko, pake mo?" exaggerated na sabi niya kaya napa irap na lang kami ni Murphy at dumiretso na sa kabilang store. Mas matangkad pa kay Marco ang kayabangan niya, sa totoo lang.

Dumiretso agad silang dalawa sa lingerie section, napa iling na lang ako at dumiretso sa shoe section. Hindi naman ako nag susuot ng lingerie eh!

Halos mapa palakpak ako sa tuwa ng mahagip ng mata ko ang type kong vintage shoes, I immediately picked the shoe and called the sales lady.

Bukas Hindi Na IkawWhere stories live. Discover now