Chapter 27

97 10 14
                                    

It's been a week since Pre-CUP have started, almost one week na rin na palagi kong nakikita ang pagmumukha ni Marco dahil nga busy sila sa training ng volleyball dito sa University namin.

One week na rin na araw araw kaming magkasabay kumain ni Emman, tulad ng gusto niyang mangyari. But aside from that, I always make sure naman that I spare some time for Dos para makapag bonding kami.

At tulad dati, napapadalas nanaman ang pagsabay sa'kin ni Emman sa paguwi, bagay na labis kong ikinakatuwa.

"Sino pa ba kasing iniintay natin, Ari?" ani Marco habang ngumunguya ng chewing gum.

And yes, magkasama kami ngayon sa loob ng sasakyan ko. Kakatapos lang ng training nila ng volleyball.

"Si Emman nga."

"Ha? Si Galvez? Jusko Aria, umamin ka nga sa'kin, ikaw ba'y tumitira na ng shabu? Mag sabi ka lang dahil may alam akong mas murang bilihan, limang gramo, bagsak presyo—"

"Marco pwede ba manahimik ka? Hindi ako nag shashabu, seryoso ako okay? Sasama nga sa'tin si Emman kila Ralph, nag sabi na siya sa'kin kanina. And really? Are you seriously offering me drugs?" nahablot ko ang buhok niya habang naka upo siya sa back seat ng sasakyan ko kasama ang lalaki niya.

May lakad kasi kami ngayon nila Marco kaya sumabay sila sa'kin ng jowa niya, at oo, sasama rin sa amin si Emman.

"Aw!" tinapik ni Marco ang kamay ko. "Nag mamagandang loob lang naman yung tao."

"Isusumbong kita kay tita, palala ka na ng palala, para kang... urgh!" sinabunutan ko siya ulit dahil sa gigil ko. "Demonyo ka ba?!"

"Kung may ganito ba namang kagandang demonyo eh, why not?" tinawanan niya pa ako bago nag sumiksik sa lalaki niya.

Kanina lang niya pinakilala sa'kin 'tong lalaking 'to, at unang tingin ko pa lang ay dismayado na 'ko sa'kaniya. Paano'y mukhang adik.

Hindi ko na sila pinansin pa dahil nag iinit lang ang ulo ko. Hinintay ko na lang ang text ni Emman sa'kin, pero hanggang ngayon ay wala pa rin.

"Ano na girl? Asan na ba yang imaginary boyfriend mo?"

"Alam mo Marco konti na lang matatadyakan na kita—" akmang hahablutin ko ang buhok niya nang biglang bumukas ang passenger's door.

"Hey, I'm sorry, ayaw akong paalisin ng mga ka team ko. Itetext sana kita kaso na-lowbatt na'ko."

Humahangos si Emman noong pumasok siya sa sasakyan at naupo sa passenger seat. Ipinatong niya sa ibaba 'yong duffle bag niya at agad na isinuot ang seatbelt.

"Ay shuta, legit ba 'to?" dinukwang pa ni Marco si Emman para siguruhing hindi siya namamalik mata, tuloy ay nagulat ito sa'kaniya.

Ewan ko ba kay Marco, parang hindi palagi makapaniwala kada makikitang magkasama kami ni Emman, like, sobrang imposible ba talaga non?

Pintik ko ang noo ni Marco nang paningkitan niya ng mata si Emman.

"Usosera ka, pumirmi ka na lang diyan sa likod." Inirapan niya ako.

"Hi." Nag lahad ng kamay si Emman sa kasama ni Marco at nakipag kilala rito.

"Emman, pre." Aniya sa lalaki.

"Jacob, man."

"Boyfriend?" awkward na tanong ni Emman, mukhang hindi alam kung paano itong kakausapin. Natawa lang ang lalaki sa'kaniya bago tumango.

Bukas Hindi Na IkawWhere stories live. Discover now