Chapter 12

100 11 1
                                    

Tulad ko ay pinag mamasdan rin niya ang mga kaibigan niya na ngayon ay nag kukulitan. Ginagawa pang tampukan ng asaran ng mga ito si Emil, inaasar na hindi pa raw ito tuli. I just smiled, ang kukulit nila.

I sat straight and placed both of my hands above my knees.

"Hi." The girl greeted me. Agad akong nag angat ng tingin at bumaling sa'kaniya. Tipid ko siyang nginitian.

"Hello." I greeted back as I unconsciously squeeze my fingers. This is the first time I had a conversation with her, at sobrang lumanay pala ng boses niya.

I've never heard her talk before, she's just too quite. She's always been the prim and proper kind of a girl. Bagay na hindi ko na ipinag tataka pa kung bakit naging kaibigan siya ni Emman at ni Timothèe. Pare-pareho kasi silang mga tahimik at mga seryoso masyado. Si Patrick lang naman kasi talaga ang maingay at  magulo sa'kanila eh.

"Before anything else, let me introduce myself to you personally." She twisted her body and looked at me straight. "My name is Primrose, but everybody calls me Primo." Pormal niyang inilahad sa'kin ang kamay niya. Agad ko naman 'iyong tinanggap.

Mabuti at nagpakilala siya, ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya.

"I'm Aria." I smiled. "Short right? Pero pwede mo pang paikliin. You can call me Ari, or Aria... anything that makes you comfortable." We shook our hands after that.

She smiled at me, and so am I to her. I can't help but to admire her. She's just so calm, so cool and so pure. I think I like her already.

"I guess it's the first time we had a conversation, am I right?" She chuckled a bit but still, she sounds so proper.

"Yeah, actually ngayon ko lang narinig ang boses mo. Are you usually this calm?" Medyo umusod ako at bahagyang lumapit sa'kaniya dahil hindi ko gaanong marinig ang boses niya. Sadiyang napaka lumanay niya eh. Napakalayo sa boses kong sobrang ingay.

"I need to be calm. Because if not, it will be the cause of my death." She scoffed. And I nearly frowned. Was that supposed to be a joke or it was meant to be something else? "Ikaw, eh. Hindi mo kami kinakausap. Palaging pag nakikita mo si Patrick, si Emman agad ang hinahanap mo. Hindi tuloy tayo nakakapag usap." Tipid siyang ngumiti.

Bigla akong pinamulahan sa sinabi niya. Medyo nakaramdam ako ng hiya. Naba-bypass ko ata sila masyado. Next time I'll try my best na makipag get along din sa 'kanila kahit papaano. Well, sa totoo niyan ay gusto ko naman talaga.

Ayoko lang na isipin nila na kaya ako nakikipag kaibigan sa'kanila ay dahil gusto kong mapalapit kay Emman. Ayoko naman noong ganon.

Kaya nga kahit wala akong kaibigan sa university ay tinitiis ko na lang.

"Pasensya ka na ah." Napakamot ako sa batok ko.

"No it's okay. I know that you like him." She said calmly before resting her body on the backrest of the couch. I also did the same thing. Nakaka relax siyang kausap actually, para kang nakikipag usap sa anghel.

"How did you know?" I bit my lower lip. "Am I that obvious or you just have the psychic powers?" I kidded. I was just so curious.

"Well, Maybe both?" Pagak siyang natawa.

I felt her right hand traveled all the way to the armrest before she let out a sigh.

Bukas Hindi Na IkawWhere stories live. Discover now