CHAPTER 1

29.4K 530 11
                                    

Unang araw ng pasukan at umuulan nanaman. Tinignan ni Lunariss ang tsinelas niyang pinanlakad niya sa ulanan. Hindi siya tulad ng nga ka-eskwela niya na hinahatid ng mga mamahaling sasakyan ng mga ito.

Isa siyang scholar sa pinakamalaking private school sa probinsya nila. Sa totoo lang ay mas gusto niyang sa public school na lang mag-aral para hindi niya kailangan makibagay sa sosyal na eskwelahan na iyon.

Hinarang siya ng guwardiya sa may entrance. "Hija, bawal kang pumasok kung naka-tsinelas ka lang. Wala ka bang leather shoes?"

"Kuya, seryoso ka ba? Ang layo pa ng mismong entrance sa school. Ang lakas pa ng ulan. Ayaw kong mabasa iyung shoes ko."

"Eh bawal talaga eh. Ganito na lang. Ipakita mo sa akin na may dala kang sapatos bago kita papasukin."

Hindi niya mapigilang paikutin ang mata niya bago ilabas ang nakasupot na sapatos. Umiiling-iling siyang pumasok sa loob ng gate at ipinagpatuloy nga ang paglalakad. Napapatigil lang siya kapag natatalsikan siya ng tubig ng mga dumadaang sasakyan.

Bakit ba pakiramdam niya para siyang si San Chai sa Meteor Garden? Dahil ba isa rin siyang mahirap na babae na nag-aaral sa isang prestihiyosong eskwelahan? Naiinis siya sa isipang dito siya mag-aaral. Maganda ang programa ng eskwelahan at maituturing na mas advance ng bahagya sa pampublikong paaralan.

Pinilit siya ng ina na doon mag-aral nang makakuha siya ng scholarship. Sinabi nito na libre na rin lang ang pag-aaral niya ay bakit hindi pa sa pinakamagandang eskwelahan pa siya mag-aral?

Nang makapasok sa loob ay wala ng gaanong tao sa hallway at na-realize niyang oras na pala ng klase. It was past 7:30 already. Kung magpapalit pa siya ng sapatos ay mas lalo siyang male-late.

Dali-dali siyang pumasok sa classroom niya at napatigil ang guro pati ang mga estudyante. Tinignan siya ng mga ito mula ulo hanggang paa.

"Are you in the right section, Miss...?" tanong ng guro sa kanya.

"Uhmm...hindi po ba ito iyung 1 - Mercury?"

"No. This is the senior's building. Nasa kabila pa ang building ng freshies. At may orientation pa naman kayo 30 minutes from now kaya...makakapagpalit ka pa ng...shoes."

Napatingin siya sa paa niyang may lupa lupa pa sa kuko. Dali-dali na lang siyang nagpaumanhin at pumunta sa pinakamalapit na banyo para magpalit. Buti pala at may oras pa siyang makapagpalit.

Iginala niya ang paningin sa banyo. Doon pa lamang ay makikita ng mine-maintain ng mabuti iyon. Malawak at napakalinis niyon. Pinunasan muna niya ang mga paa bago nag-sapatos. Napatingin siya sa salamin. Hinaplos niya ang uniporme.

Aminin man niya o hindi pangarap talaga niyang makatuntong dito. Hindi lang niya naisip na mangyayari talaga iyon dahil wala naman silang kakayahan. Huminga siya ng malalim bago tumingin ulit sa salamin.

Kaya mo ito Lunariss! Pataubin mo sila lahat!

With a triumphant smile, she left the restroom and went down the hall papunta sa building ng mga  freshman at nakita nga niya roon ang section niya. Masaya naman ang naging orientation dahil sumayaw rin ang dance troop ng school. It was very lively and festive.

Nang pumasok na siya sa unang klase niya ay nakaramdam siya ng intimidation. Sa probinsya nila, napakadaling makilala ang iba't ibang pamilya lalo na kung kasama ang mga iyon sa mga nakaririwasa sa buhay.

Hindi man halata, she's an achiever and a very competitive student. She was after all the valedictorian in her elementary school at ang best sa lahat ng subjects. Lagi siyang naisasali sa mga competitions sa iba't ibang eskwelahan dahil nga sa angking katalinuhan niya. Dahil nga rin doon kaya siya naging scholar.

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon