CHAPTER 9

12.3K 371 16
                                    

"A-Ako po si Lunariss."

Blangko lamang ang tingin ni Lolo Ares kay Lunariss. He was really intimidating. Parang nangangatog ang tuhod niya.

"Ano ka ng apo ko?"

"Uhmm...kaibigan lang po."

"Ngayon lang kita nakita rito."

"Oo nga po. Hindi ko po kayo nakikita noon."

"May balak ka bang gawing nobyo ang apo ko?"

Ito na ba ang parte ng teleserye kung saan palalayuin siya ng pamilya nito sa kanya? Na aalukin siya ng ilang milyon para layuan ang apo nito?

"H-hindi naman po siya nanliligaw."

"Pero may gusto ka sa kanya."

Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas na mga salita.

The old man smirked. "Hindi kita gusto para sa apo ko."

Hindi niya alam pero parang nasaktan siya. Alam naman niya iyon. Hindi siya parte ng alta sosyedad tulad ng pamilya nito.

"Hindi ko rin naman po siya gusto...masyado." Nasabi na lamang niya.

Kumunot ang noo nito. "Akala ko ba gusto mo ang apo ko?"

Ngumiti siya. "Alam ko po na may mas bagay kay Lake. Hindi tulad ko na simpleng babae lang."

"Hindi mo ba siya ipaglalaban sa akin?"

"Lo, una, hindi naman ako ang tipo ng apo niyo. Pangalawa, hindi naman niya ako nililigawan. Pangatlo, bata pa po ako. Wala pa po sa isip ko iyan."

"Sigurado ka ba doon? Na hindi ka niya gusto?"

Nag-kibit-balikat siya. "Si Lake lang po ang nakakaalam." Itinuro niya ang chess set sa isang bench. "Tama na po iyung tungkol sa apo niyo. Gusto niyo maglaro ng chess?"

Tumaas ang kilay ng matanda. "Hmm...marunong ka ba?"

"May alam lang po."

"Anong mangyayari kapag natalo kitang bata ka?"

Napaisip siya. Wala naman siyang ibibigay rito. "Ibig sabihin lang po niyon, kailangan kong bumalik para talunin kayo."

"At kapag ikaw ang nanalo?"

"Kapag niligawan ako ng apo niyo, tatanggapin niyo ako."

Tila nag-isip ito. "Akala ko ba ayaw mo sa apo ko."

"Hindi na rin naman po masama. Eh kung niligawan niya ako, wala akong problema sa inyo. Kung hindi naman, eh di wala po."

Naglakad ang matanda papunta sa bench at binuksan ang chess set.

"Kilala mo ba kung sino ang huli kong nakalaro nito?"

Umiling siya.

"Ang lola ni Lake. Matagal na mula noong mabuksan ito."

Nahimigan niya ang lungkot sa tinig nito. He must be missing his wife. His eyes seemed to be  emotional for a second. There was warmth and fondness. They must have had good memories together until her last days.

"Gaano na po katagal na wala siya?"

"May sampung taon na. Nilalabas ko ito kapag nandito ako sa hardin. Pakiramdam ko lang kasama ko siya kapag nandito ito."

"Okay lang po ba na gamitin natin iyan?"

Ngumiti ito. "Ikaw pa lang ang unang nag-aya sa akin na mag-laro nito. Kahit ang anak ko, ang apo ko, hindi nila ako tinatawag maglaro." He was fixing the chess pieces so she also did the same. Natuto siya mag-chess noong elementary siya dahil may kaklase siyang magaling dito. Na-enjoy niya ang paglalaro niyon kaya siguro nahasa ang galing niya roon.

"Pwede naman po tayong maglaro ng chess kung kailan ninyo gusto kahit hindi ako girlfriend ng apo niyo."

Tinignan siya nito. "Sana nga hindi ka nalang niya maging nobya para hindi kayo magbe-break. Mawawalan pa ako ng kalaro."

Natawa siya sa tinuran nito. Parang nawala ang takot niya sa matanda. He was slowly showing his funny side to her.

Halos hindi nila namalayan ang oras nang maglaro sila. He won the first time and she did the second. Kung hindi pa sila tinawag ng Mom ni Lake ay hindi pa sila titigil. 

Lake was smiling. There was an unexplainable glint in his eyes as they looked at her.

"So you made friends with my Lolo."

She shrugged. "Gusto ko siya. Marami rin siyang kuwento."

"Was he able to convince you to be a politician now? He kinda does tha to everyone."

Natatawang umiling siya. "Hindi, ano ka ba. Magiging doktor din ako huwag kang mag-alala."

"He's not friendly you know."

"Nakakatakot siya, oo. Pero hindi lang iyon iyon, Marasigan. Softie rin iyon di lang halata."

"I'm glad you made friends with him."

Nginitian niya lamang ito.

Nang dumating ang oras para umuwi sila ay hinatid sila ni Lake. It was their last time together in a long time. Pupunta na ito sa ibang bayan bukas.

"So, mag-ingat ka lagi rito ha." Ginulo pa nito ang buhok niya.

Naiinis na inayos niya ang buhok. "Ano ka ba? Ako pa ano. Ikaw ang mag-ingat. Mas malaki ang siyudad na iyon kaysa dito sa bayan natin."

"Yeah. I know. I was going around town to famiiarize myself. I'll be fine. I'll see you in a few months?"

Tumango siya.

"Wala ka bang pabaon?"

"Wala akong pera. Saka wala akong extra na paninda ngayon. Saka na lang kapag dumalaw ka rito. Ikaw itong mayaman ikaw pa ang hihingi sa akin."

Umiling-iling ito at niyakap siya. Pakiramdam niya lalabas sa dibdib niya ang puso niya. It was his first time to hug her like that. Ang bango-bango nito. Amoy mayaman talaga. His scent was also mixed well with his natural scent.

Nang humiwalay ito sa kanya ay nginitian siya nito. "Sige na uwi ka na."

Tumalikod na siya at naglakad ng ilang hakbang. Bawat hakbang ay mabigat sa loob niya. Hindi niya alam kung bakit. Hindi naman niya ito nobyo para malungkot siya ng ganoon. Saka magkikita pa naman silang dalawa kapag bakasyon. 

Nang lingunin niya ito ay nagsimula na rin itong maglakad palayo. His hands were in his pockets again. Nakayuko pa nga ito na parang pinagsakluban.

"Marasigan!"

He looked back and she ran to him and gave him a kiss on the cheek. Mabilis din naman siyang tumakbo muli palayo papunta sa bahay ng tiyahin niya. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. Kahit sa pisngi iyon, kiss pa rin iyon.

For the first time in her life, nakaramdam siya ng kilig.

Pagkauwi niya ay sumandal siya sa pinto at habol ang hininga. She was smiling like a lunatic. At iyon ang nakita ng mga pinsan niya na nakatanga sa kanya ngayon.

"Naloko na itong si gaga."

Umiling ang mga ito bago nagtawanan. She ended up smiling. Lake can really make her do weird things.

As she lad on her bed that night, ito pa rin ang nasa isip niya. Kinapa niya ang dibdib niya. Kalamahan mo lang, Lunariss. Baka hindi ka naman talaga gusto niyan. Pa-gwapo lang. Hangga't hindi ka sinasabihan ng 'I love you', wala kang bang panghahawakan sa kanya.

CHAPTER 10 >>

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon