CHAPTER 11

13.2K 374 12
                                    

"Doon ako mag-aaral sa school mo rin."

Napatingin si Lake kay Lunariss. She can see the shock in his eyes.

"That's great!"

Naglalakad sila ngayon pauwi sa bahay ng tiyahin niya.

"May malapit ba na dorm doon?" tanong niya. Malayo nga kasi kung dito pa siya uuwi sa tiyahin niya. May allowance naman na ibinibigay sa kanya. Pwedeng gamitin niya iyon. Plano rin niyang maghanap ng trabaho para makatulong sa pagtustos ng pag-aaral niya.

"You can stay in my apartment. 2 bedrooms naman iyon."

Napaisip siya. Ayaw naman niyang isipin nito na ngayon na nobyo na niya ito ay gagamitin na niya ito.

"Hey, I know what you're thinking. Ang point ko lang, wala namang nakatira sa kabilang room. Mga gamit ko rin lang ang nandoon. Makakatipid ka pa ng gastos kung makikitira ka sa akin muna."

"Nakakahiya sa parents mo. Magbayad na lang kaya ako ng renta sa iyo?"

Sumeryoso ang gwapong mukha nito. "Luna-"

Itinaas niya ang dalawang kamay niya. "Kakausapin ko na lang ang Mom mo, okay?"

He rolled his eyes at kinintalan siya ng halik sa ulo. "Nakalimutan ko kung gaano ka ka-kulit."

"Nag-sisisi ka na agad?"

He pinched her nose again. "Cute mo."

Nang makarating sa eskinita nila ay nagtaka siya nang sumunod si Lake sa kanya.

"Ihahatid mo na ako hanggang bahay ngayon?"

"Yes, and I want to ask permission from your aunt at least."

Na-touch naman siya sa sincerity nito.

Nang makarating sila sa bahay ng tiyahin niya ay may kaunting salu-salo dahil nga sa graduation ni Crizelda. Napatingin sa kanila ang mga bisita.

Magalang naman na bumati si Lake sa mga bisita at sa tiyahin niya. Nakita niya ang pakikipag-usap nito at sumusulyap-sulyap lang ang tiyahin niya sa kanya.

"I'll get going now, Luna."

Tinanguan niya si Lake bago lumapit sa tiyahin niya.

"Tiyang..."

"Lunariss, hindi kita pinagbabawalan mag-nobyo pero mag-iingat ka pa rin. Mag-tapos ka muna ng pag-aaral mo."

"Opo, tiyang."

"Ipinaalam ka na rin niya sa akin. Makakatipid ka kung sa kanya ka tutuloy. Hindi ako sang-ayon sa ganoong set up pero matanda ka na. Alam mo ang tama sa mali."

"Opo, tiyang. Salamat po."

Nang gabing iyon ay kinulit-kulit siya ng mga pinsan niya. Si Ate Ava at Ate Bella niya ay may mga nobyo na rin kaya naman pinayuhan siya ng mga ito.

Bukas ay haharapin niya ang pamilya ni Lake bilang nobya nito.

Tulad ng inaasahan ay sinundo siya ni Lake para mag-lunch doon. Nagpabaon ang tiyahin niya ng isang bilaong kakanin para sa pamilya ni Lake na ikinagulat niya. Kinakabahang pumunta sila sa mansyon.

Hinawakan ni Lake ang kamay niya at pinisil iyon.

"You'll be fine."

Pumasok silang magkahawak kamay at sinalubong sila ng Mom ni Lake. Bumaba ang mata nito sa mga kamay nila. Inantay na niya ang galit nito pero nginitian siya nito.

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon