CHAPTER 16

15.9K 436 82
                                    

Tinapos pa ni Lunariss ang isang lap bago bumalik sa employee's lodge. Ang employees's lodge na iyon ay apartment type na gusali kung saan naka-house ang mga stay in na empleyado tulad niya. Shared ang mga iyon at kasama niya sa apartment si Tabi, ang owner ng Drunk and Sober, isang club at isang cafe at si Marceline, isa sa may-ari ng boutiques sa loob ng leisure club.

Naabutan niya pa ang dalawa na nakahilata sa kani-kaniyang kama nito. Nasanay na siya sa mga ito na tinatanghali na ng gising.

She has been working in the leisure club for the past three years. May kasama naman siyang isa pang doktor na pang-day shift. Madalas ay nasa ospital siya sa umaga at hapon naman siya nasa clinic sa loob ng leisure club.

So far she enjoyed her work at the club and at the hospital. Dahil doon ay nakakapagpadala na siya kay Ate Ava ng tulong sa pagpapagawa ng bahay ng mga ito sa probinsya. Hindi alam ng tiyahin niya na sa kanya galing ang ibang pera na inaabot niya kay Ate Ava.

Mababait din naman ang mga tao sa loob ng club pati ang mga members kahit may kaya ang mga ito. The members comprise of old and young, successful men and women. May mga ka-close na nga siyang mga members tulad ng best friend ni Tabi na si Calhoun Esteves, isa sa mga pinakasikat na aktor sa Pilipinas at ang suki niya sa clinic na Enteng Llamanzares, isang banker.

Nakapagluto na siya ng breakfast nilang tatlo nang pupungas-pungas pa si Tabi na bumaba ng hagdan. Mukhang tulog pa si Marceline.

"Morning, Doc..." sabi nito.

"Puyat ka nanaman ah. Sinong ka-chat natin diyan?"

Nangalumbaba ito sa harap niya. "Bakit ba sila ganoon? Pinupuyat ka pero hindi ka naman jojowain."

Natawa siya at nailing na lamang. Tabi was a hopeless romantic. Isa rin siguro ito sa mga pinakatanga sa pag-ibig na nakilala niya. Nasubukan na ata nito lahat ng klase ng lalaki.

"Maybe give it a break, Tabi. Baka kapag dumating na iyung tamang tao sa iyo pagod na iyang puso mo."

"Bakit kasi ang tagal? I'm ready!" Sinuklay nito ang buhok. "Doc, maganda naman ako 'di ba? Mabait din naman ako. Masarap naman ako mag-bake at mag-timpla ng kape. Pati alak marunong din naman ako. Bakit walang nagkakagusto sa akin?"

"Baka meron naman diyan."

Inayos nito ang salamin. "Gusto ko lang naman magka-lovelife."

Sumimsim siya ng kape. "Naniniwala ako na love is not made for everyone."

"Minsan gusto ko na rin malaman ang sagot sa tinatanong lagi sa iyo ni Sir Enteng. Sino bang nanakit sa iyo, Doc?"

"It doesn't matter now."

Tumayo siya at kinuha na ang tuwalya at bathrobe niya. "Sige na maliligo na ako. Pupunta pa ako sa ospital."

After taking a bath, she wore her usual smocked puff sleeves top, jeans and her go-to white Jimmy Choo heels. Sa ospital siya usually nagpapalit ng scrubs at white sneakers.

"Doc, paanong walang nanliligaw sa iyo?" Tanong ni Tabi nang makababa na siya.

"Iba iyung walang manliligaw sa ayaw magpaligaw." Gising na pala si Marceline at kumakain na ng garlic toast na ginawa niya.

"Ay, kailangan ko bang magsuot ng ganyan, Doc?" Tanong ni Tabi.

Mula noong naging doktor na siya sa club ay nagbago na siya ng fashion sense. She wanted to feel beautiful and confident at sabi naman ni Carrie sa kanya, kung makakatulong doon ang physical appearance niya pwedeng doon siya magsimula.

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon