CHAPTER 30

14.1K 338 7
                                    

Sobrang sakit ng ulo ni Lunariss nang magising siya. Hindi nga niya sigurado kung nakatulog siya. They ended up in their beds somehow.  Nakanganga pa ang dalawa niyang katabi na halatang matagal pang magigising. Napabangon siya nang makita na ang oras. Late na siya.

Naligo na lang din siya kahit parang tumitibok ang ulo niya. She should have been in the airstrip 15 minutes ago. Mabilis siyang nagsuot ng white shirt at black utility shorts. Nang tignan niya ang cellphone ay nakailang tawag na sa kanya ang nurse na kasama niya. Mabilis niyang ni-replyan ng 'otw' ang nurse.

When she arrived at the helipad, nagloload na sila ng mga gamit at nakakalat na rin doon ang mga kasama niya. Sinalubong siya ni Daeana, isa sa mga kasama nilang nurse.

"Anong nangyari sa iyo Doc?"

Nakasuot siya ng shades dahil sumasakit nga ang ulo niya sa araw at mukha siyang bangag.

"Wala naman. Ako na lang ba inaantay?"

"Ay hindi naman po Doc. Inaantay pa po natin iyung isang doktor galing sa Manila."

Tumango siya. "Okay. Pwede bang umidlip muna sa plane?" She was really feeling the hangover.  Uminom naman na siya ng gamot pagkalabas ng bahay.

"Sige po, Doc. Katabi niyo naman po ako kaya gigisingin ko na lang kayo."

Ngumiti siya rito. "Thanks, you're a blessing."

She hurriedly went inside the plane and sat on her designated seat. She dozed off in no time.

***

It has been weeks since Lake was in the club. Iniiwasan niyang makasalubong si Luna dahil gusto nga niya itong bigyan ng space. The club still looked the same. Puro nagja-jog lang ang nakikita niya dahil maaga pa. He's already late at siya na lang ang inaantay.

When he got to the airstrip ay binati siya ng ibang nurse at iyong isang kasama nilang doktor.

"Doctor Lake Marasigan, it's an honor to meet you." Sabi ng babaeng doktor. "I'm Maxine Leandro."

He politely accepted her hand along with the other people there.

"Akala ko tatlo ang doctors?" Tanong niya. Akala niya any siya na lang ang inaantay.

"Ay knock out po si Doc. Nasa loob na po ng plane kanina pa."

Tumango siya. "Okay. Let's go then."

The private jet plane was beautiful. 'Versailles' was written on the side. It was owned by Carrie primarily for these purposes. Napag-alaman niyang nagpaparticipate ito sa mga relief efforts at ginagamit ang plane na iyon.

Nang makapasok siya, the cream colored leather seats were polished. Nakita nga niya ang isang tao na nakayukyok sa isang upuan. Dahil nakatalikod iyon ay hindi niya nakita ang mukha nito. He'll probably greet him/her later.

The plane trip is around two hours kaya pinili niyang umidlip muna kahit kinakausap pa siya ng babaeng doktor. He's unsure pero pakiramdam niya ay maiirita siya sa babae sa buong durasyon ng medical mission na iyon.

When they arrived in the province's airstrip, ginising siya ng isa sa mga nurses.

"Andito na po tayo, Doc."

He was gathering his things nang mapatingin siya sa bandang likod kung nasaan ang isang doktor. He figured it was a woman kahit na magulo ang nakataling buhok nito. Her shirt went up a little when she stretched her hands. His heart started to beat faster just by hearing her voice. He knows that body any where. Lunariss.

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon