CHAPTER 2

15.8K 350 8
                                    

Habang naglalakad pauwi ay nagbabasa ako ng notes para sa exams kinabukasan. Pakiramdam ko ay mataas ang makukuha kong marka. Pero siyempre, hindi naman pwede na pumetiks ako.

Napatigil ako nang may tumabi sa aking sasakyan. Nang bumaba ang bintana ay kumunot ang noo ko. Nakita ko ang nakangiting mukha ni Marasigan.

"Ano na naman? Sasabihin mo na naman bang kalsada mo ito?" Mataray na tanong ko.

"No. I want to give you a ride."

"Hindi na. Magrereview pa ako habang pauwi." Nagsimula na ulit akong maglakad.

Nakasabay lang sa akin ang sasakyan nito. Nakangiti itong nakasilip sa bintana.

"Are you sure you don't want a ride? It's free."

"Pwede ba Marasigan, tigilan mo ako." Mas binilisan ko ang paglakad.

"You can study better here in the car. And it looks like it's gonna rain."

As if on cue, nagsimula ng pumatak ang ulan. Naiinis na tumingin ako sa sasakyan ni Lake at walang choice na sumakay sa sasakyan.

May 30 minutes pa sana akong lakad kung hindi lang ako sinakay ng binata.

"Why don't you take a break? Katatapos lang ng exam natin."

"May gagawin pa ako pag-uwi ko."

"Baka ma-mental block ka niyan."

"Hindi. Sanay na ako."

Isinara nito ang notebook ko. "Take a break will you?"

Kinuha ko ang notebook dito pero itinago ko na lang sa bag. "Wala akong panahon para mag-pahinga. May iba pa akong gagawin kapag nakauwi ako."

"And what is that that will require you not to rest?"

Tinignan ko ito. He looks like he's genuinely interested. "Bakit mo ba ako pinepeste ha? Hindi naman tayo magka-batch. Hindi naman tayo friends. Nag-agawan lang naman tayo ng puno nung minsan."

"I'm just curious okay?"

"Hindi naman tayo close para mag-usap."

"Bakit ba ang sungit mo? Do you want me to return the tree?"

"Ewan ko sa iyo." Tinapik ko ang driver. "Manong, pababa na lang po diyan sa tabi."

"Wait, dito ka na?" Tanong ni Lake.

"Oo. Salamat sa libreng sakay."

Bumaba na ako at naglakad papunta sa bahay ng tiyahin ko. Kahit na naririnig ko ang tinig ni Lake na tinatawag ako ay hindi ko ito nilingon. Dahil wala pa naman ang tiyahin ko, naglinis muna ako ng bahay at bumalik sa pag-aaral. Tahimik na lang din akong nagpasalamat na maaga nga akong nakauwi dahil marami pa akong nagawa.

Maya-maya ay nakarating na ang tiyahin ko at mga pinsan. Kasundo ko naman ang mga babaeng pinsan ko kahit sinusungitan ako ng tiyahin ko. Ako na lang ang gumagawa ng karamihan sa mga gawaing bahay para hindi na maabala ang mga pinsan ko.

"Kumusta sa bagong school Lunariss? Okay ba?"

"Crizelda, tatlong buwan na akong pumapasok doon. Kung maka-kumusta ka naman."

"Bakit? May mga guwapo ba doon? May nanliligaw na ba sa iyo?"

"Oy, 12 years old pa lang tayo. Anong ligaw ligaw ka diyan?"

"Oo nga Crizelda. Pero mayroon ba talaga?" Tanong din ng Ate Ava ko.

"Hmm...may mga guwapong seniors naman doon." Lumitaw sa isip ko si Lake Marasigan. Apeliydo pa lamang nito ay malakas na humatak ng mga magkakagusto rito. Base sa mga naririnig ko ay matalino ito at magaling ding varsity player ang binata.

Kumapit naman sa braso ko si Ate Bella. "Baka naman may gusto kang ipakilala sa amin."

Nagkibit-balikat lamang ako. "Wala pa akong nakakausap na guwapo roon. As if naman papansinin nila ako."

"Mag-ayos ka nga kasi. Lagi kang nakalugay eh once a day ka nga lang magsuklay."

"Eh hindi naman ako pumunta roon para maghanap ng lalaki."

"Hay kung nahawaan mo sana ako kahit kaunting katalinuhan mo eh di sana nakakapasok din ako doon." Sabi ni Ava.

Napailing-iling ako. "Puro kaartehan lang alam ng mga babae doon." Hindi naman masama ang mag-freshen up pero iyong gawing tambayan ang restroom sa tagal nilang mag-kwentuhan at walang pakialam sa mga gustong maki-banyo.

"Wala ka lang hilig sa make up."

"Tinitipid ko nga iyong allowance ko tapos bibili pa ako ng make up."

I was saving up my allowance dahil sa totoo lang, gusto ko na ring sumunod sa nanay at tatay ko sa ibang bansa. Hindi rin naman nakatapos ng kolehiyo ang mga magulang ko pero nakapag-trabaho sila sa abroad. Gusto ko lang namang makasama ang mga ito.

"Kapag ikaw nagka-boyfriend, magpapaganda ka rin."

I shook my head. Having a boyfriend was the last thing in my mind.

"Sakit sa ulo lang iyan. Mamaya hindi pa matino iyung mahanap ko. Ikaw nga nakailang boyfriend ka na dapat natuto ka na na walang matinong lalaki dito."

"Lunariss, ganoon talaga. Hindi mo naman talaga mami-meet yung makakatuluyan mo agad. May mga makikilala ka na magtuturo lang sa iyo ng mga bagay-bagay para maging handa ka sa makikilala mo pa."

Inismiran ko ito. "Wow Ate Ava ah. Di ba dapat sinasabihan mo akong huwag muna mag-boyfriend at mag-aral muna?"

Nagkibit-balikat ako. "Gusto ko munang makapag-tapos at magka-trabaho. Gusto ko ngang magpayaman muna. Matagal na akong alipin ng salapi."

"Totoo naman iyan. Hindi naman kita kokontrahin diyan. Matagal ng nagluluto si Mama ng kakanin. Gusto ko naman na tumigil na rin siya at magpahinga."

"Pasensiya na Ate Ava kung nakikisilong pa ako sa inyo."

Binatukan ako nito ng mahina. "Hoy, Lunariss. Hindi lang tayo galing sa iisang nanay. iyon lang iyon. Pero kapatid ang turing namin sa iyo. Hindi mo naman kailangan gawin lahat ng gawaing bahay para wala na kaming gawin. May responsibilidad din kami dito sa bahay, dapat kami ang gumagawa niyon. Hindi ka katulong dito."

"Nakakahiya sa inyo. Pati ako inaasikaso ninyo."

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Mula noong iniwan ka ng magulang mo dito, natuto ka mag-isa. Ikaw pa nga nagtuturo sa amin. Hindi ka pabigat dito. Ano ka bang babae ka? Ang drama nito."

"Kung pwede ko lang bayaran lahat ng tulong ninyo sa akin. Kaso heto, wala naman akong pera."

"Ganito na lang. Sige, bayaran mo lahat ng tinulong namin sa iyo." Seryosong sabi nito. "Abutin mo ang pangarap mo, gaga. Magpayaman ka at kapag mayaman ka na, ilibre mo kami doon sa mahal na restaurant sa bayan."

"Ate Ava naman..."

Hinawakan nito ang balikat ko. "Tumahimik ka na. Tigilan na itong drama na to. Magluluto pa tayo ng paninda ni Mama."

Napangiti na lang ako habang naghahanda kami. Maswerte ako na mababait ang mga pinsan ko sa akin. Hindi kailanman pinaramdam ng mga ito na hindi ako kapatid ng mga ito. Marahil ay naaawa sila o baka mabait lang talaga sila sa akin.

Hindi pang-teleserye o parang si Cinderella ang naging buhay ko kasama ang mga ito. Tulad ng sabi ni Ate Ava, magsisikap ako para yumaman at hindi ko sila kakalimutan kung lumuwag man ang buhay ko.

CHAPTER 3 >>

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon