CHAPTER 3

15.4K 373 45
                                    

Excited na pumasok si Lunariss dahil ilalabas na ang listahan ng honor students ng araw na iyon. Nakita na niyang may kumpol sa harap ng bulletin board. Isiniksik niya ang sarili hanggang sa mabasa na niya ang nasa papel.

"Yes!"

Tulad ng iniisip niya, siya ang number one sa klase at two points pa and agwat niya sa susunod sa kanya.

"Congrats."

Nakangiti niyang nilingon ang nagsalita. Nawala ang ngiti niya nang makita si Lake Marasigan. He was smiling while his one hand was inside his pocket. It was one of his known gestures in school at napaka-gwapo raw nito kapag ginagawa nito iyon.

Ano namang nakaka-gwapo doon? Pwede namang mamulsa kahit sino ah. Napaka-ordinaryo lang naman tignan.

Nang maalala niya na ito nga pala ang top sa seniors ay tinignan niya ang listahan. Mukhang ito rin ang top one sa batch nila. 

"Congrats din sa iyo." Seryoso niyang sabi bago ito tinalikuran at naglakad papunta sa building nila.

"Hindi mo ba ako ililibre?"

Naiinis na nilingon niya ang binata. "Anong libre? Saka bakit mo ba ako kinakausap? Close ba tayo?"

"Bakit ba ayaw mo akong kausapin?"

"Dahil ba sanay kang lagi kang pinapansin gusto mo pansinin din kita? Saka bakit sa akin ka nagpapalibre? Mukha ba akong may panlibre sa iyo? Kung kumakain ka siguro ng fishball at isaw okay lang." Tinalikuran niya itong muli at naglakad na.

"Sure. I'll take that. I'll see you later."

Napatigil siya. Nang lingunin niya ito ay medyo malayo na ito sa kanya. Pinagtitinginan din siya ng mga estudyante na malapit sa kanila. Nagbubulungan ang mga ito.

"Gusto niyo ba i-share ang pinagbubulungan niyo?" Mataray niyang tanong sa mga ito.

Hindi siya sinagot ng mga ito. Sa lahat ng ayaw niya ay ang pinag-uusapan siya lalo na kung wala namang kakuwenta-kuwenta ang sinasabi.

The morning went on as usual. Dala ang libro na hiniram niya sa library, pumunta siya sa "puno" niya para doon na rin mag-lunch. Gusto niyang hasain ang Ingles niya kaya gusto niyang magbasa ng mga ganoong libro.

Masaya siya at mukhang wala ang asungot doon. Hindi pa man nagtatagal ang pagbabasa niya ay naramdaman na niya ang presensiya nito.

"Not tupig for today?"

"Sapin-sapin ang benta kahapon." Sabi niya habang kunwari ay nagbabasa pa rin. Hindi na niya maibalik ang atensiyon niya sa binabasa.

"Can I have some?"

Doon siya nag-angat ng tingin. "Wala ka bang baon? Aagawan mo pa ako."

Lumapit ito sa kanya at kinuha ang baunan niya. He used the same fork to shove the food in his mouth. "Hmm...it's good." Hindi na nga nito binalik hanggang sa maubos na nito.

"Wala na akong lunch!"

"Akala ko ayaw mo na kainin."

"Aba't-" Bumuntong-hininga siya. "Ano ng kakainin ko?"

Tumayo ito at kinuha ang paper bag na dala nito na hindi niya napansin. "Here. I brought lunch."

Inabot nito ang sandwich at juice sa kanya. Mukhang baon nito iyon dahil wala naman iyong tatak ng sikat na kainan.

"My mother made that. Huwag kang mag-alala, walang gayuma iyan."

Hindi pamilyar sa kanya ang sandwich na iyon. Hugis bilog ang tinapay, may maninipis na karne, mga gulay at may avocado pa nga. Kumagat siya ng maliit at agad naman niyang naibigan ang sandwich.

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon