CHAPTER 31

14.1K 369 8
                                    

The morning started normal. Naligo muna si Lunariss bago nakitulong sa paghahanda ng almusal.

Napansin niya di kalayuan si Sachi na nageensayo kasama ang mga kabaro nito. Ngayong araw, magkakaroon sila ng physical check up at bakuna sa mga katutubo. Siya ang naatasan sa mga bata at teenagers. Si Lake naman ay sa mga adults na siyang pinakamarami at si Maxine naman sa mga nakatatanda.

Ang unang batang titignan niya ay takot sa kanya.

"Halika, hindi naman masakit ito eh." She smiled at the child hanggang sa kusa na nga itong lumapit. When she was about to check her heartbeat ay lumayo uli ito sa kanya. "Papakinggan ko lang ang pintig ng puso mo." Inilagay niya sa tainga nito ang puno ng stethoscope at ipinatong ang dulo niyon sa dibdib niya. "May naririnig ka ba?"

Tumango ang bata bago ngumiti. Nang ibalik na niya sa kanya ang stethoscope ay hinayaan na siya nitong makuhanan ng heartbeat. The vaccines were a struggle at hindi maiwasang may batang umiyak.

Binibigyan niya ang mga ito ng candy para kahit papaano ay maibsan ang sakit dulot ng pagbakuna.

"Doc, kain muna."

Nginitian lang niya ang nurse at sinabing susunod na. She was fixing the things she used at ang gagamitin pa niya mamaya nang makita niya ang paglpag ng isang plato sa mesa niya.

"Huwag kang magpapalipas ng gutom."

Napatanga lang siya kay Lake nang ilapag nito ang plato sa mesa niya. Bago pa siya makapagsalita ay nakaalis na ito.

Nang tignan niya ang pagkain niya ay tama lang rami niyon. It also came with water and juice.

Ngingiti-ngiti naman ang ibang nurse sa kanya.

Tahimik siyang kumain bago nagpatuloy sa pag-aasikaso ng mga bata.

Maaga naman silang nakapagpahinga at nagmumuni-muni na lang sa gabi. Napakagabda bg barrio sa gabi. Malinos ang kalangitan at kitang-kita ang mga bituin.

Sariwa rin ang hangin kaya napakasarap na unupo lang sa tabi at i-enjoy ang tanawin. It reminded her of her province. She missed it. Nang magtrabaho siya sa Maynila ay mas na-realize niya kung gaano kaganda ang probinsyang kinalakhan niya.

She wanted to return to visit her cousins. Plano niyang pumunta roon pagkabalik niya ng Baguio. Gusto niyang makausap muli ang tiyahin niya para magpasalamat uli.

"Hindi niyo po ba babawiin si Doc Lake, Doc Luna? Grabe oh, kung maka-dikit eh ayaw naman sa kanya ni doc."

Tinignan niya ang sinasabi ng nurse. Totoo nga na laging nakadikit si Maxine kay Lake. She knows that Lake is not comfortable with the situation. Hindi naman niya masasabi na ineenjoy nito ang atensiyon dahil halata namang umiiwas ito sa babaeng doktor.

Tumayo siya at pinagpag ang damit. "Pupunta muna ako sa may lawa."

May maliit na talon sa barrio na iyon na napakaganda lalo na kapag gabi. Hindi naman nakakatakoy pumunta roon kapag gabi na dahil mababait ang tiga-roon at tulad ng sabi ng matanda, the nature seems to heal the internal pains that medicines can't.

May swing sa isang puno at doon siya umupo. Isa ito sa mga habol niya sa medical missions. May mga pagkakataon siyang makawala sa magulo na mundo.

Nang makarinig siya ng kaluskos ay marahas siyang napalingon sa likod niya. Napatigil naman si Lake nang makita siya.

"I-I'm sorry. I didn't know you were here."

"O-okay lang." Bumalik na siya sa pagkakaupo sa swing at dahan-dahang idinuyan iyon.

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon