CHAPTER 35 🔞

18.4K 367 9
                                    

Luna woke up feeling a lot better. She tested negative for malaria yesterday kaya naman masaya aiya. She has been in the isolation room for almost three weeks. Lake advised her to stay for another two days hanggang sa makabawi na siya ng lakas.

Riocht Group's meds worked well on her kaya naman nag-send din ito ng shipment ng gamot sa probinsya na pinanggalingan nila para sa mga magpopositibo rin ng malaria.

Nakaupo siya sa gilid ng hospital bed at hinayaang nakabitin ang mga paa. Wala pa siyang lakas na tumayo mag-isa kaya magwhi-wheelchair muna siya paglabas.

Napatingin siya sa pinto nang bumukas iyon. Lake was there to check on her. Mukhang nagulat pa ito na nakaupo na siya.

"Okay ka lang ba?"

"Yup. My legs are weak though." She wiggled her toes and smiled at him.

"Have you tried standing up?"

Ngumiwi siya. "I'm scared. Baka bumagsak ako sa sahig."

He smiled before holding her hands. "Let's try shall we?"

His hand went around her waist while holding her hand. She felt the familiar electricity going through her body. Ibinaba siya nito. Napakapit siya sa leeg nito nang sinubukan niyang itayo ang sarili.

"I need more time to get better."

He chuckled lightly. "See? Ayaw mong maniwala sa akin."

"I'm a doctor. I know when I should feel better already."

"But I'm your doctor. Listen to me."

Ibinalik siya nito sa pagkakaupo.

"Just a few days more okay?"

She nodded. "Opo, doc."

Namula ang pisngi niya nang halikan nito ang likod ng kamay niya. "Babalik ako mamaya."

Wala pang ilang minutong umalis ito ay pumasok si Tabi na may dalang wheelchair. "Ako muna maglalabas sa iyo."

She rolled her eyes. "Finally."

Habang nasa labas sila ay nakatingin sila sa mga labas masok sa clinic.

"Kailan pa dumami ng ganyan ang mga tao rito?"

She shrugged. "I am wondering about that myself."

"Lakas makahatak ng pasyente ni Doc Lake ah."

"And can you believe how clueless he is? Dumbass. Hindi niya man lang alam na siya ang pinupuntahan ng mga babaeng iyon."

Sinundot sundot siya ni Tabi. "Oy selos. Pagaling ka na kasi para hindi na siya mag-duty diyan."

"Ni makatayo nga nahihirapan pa ako."

"Uy may napansin ako sa inyo ni Doc Lake. Kailan pa kayo nagka-couple tattoo? At kailan pa kayo naging couple?"

Napatingin siya sa tattoo sa daliri niya. The design was really beautiful. "The tribe performed a ritual. Para sa safety namin."

Tabi's face was unconvinced. "I think it was a marriage ritual."

Sinabi niya rito kung paano ginawa sa kanila ang ritwal at tumango-tango naman ito.

"Yup, that's a marriage ritual. So in...uhm...nature...kasal na kayo?"

She looked up at her friend, smiling. "Hindi naman na masama diba?"

Tabi smiled. "Sabi ko na kayo na eh."

Umiling siya. "I haven't told him yet. Pero sasabihin ko sa kanya sooner than later."

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon