CHAPTER 5

13.8K 364 12
                                    

Lunariss was minding her own business when Lake arrived. Nakasandal siya sa "puno" niya nang ibinagsak nito ang sarili sa kabilang puno.

Tinignan niya ito. Kumunot ang noo niya nang makitang may dugo ito sa labi.

"Anong nangyari sa iyo?"

"Nothing."

Ibinaba niya ang libro at lumapit dito. Hinawakan niya ang mukha nito at tinignan ang sugat nito sa labi.

"May alcohol ka ba? Bakit hindi ka dumiretso sa clinic?"

"You don't have to do that."

Tinignan niya ang bag nito at buti naman ay may lamang alcohol. Kinuha niya ang panyo sa bulsa at nilagyan iyon ng kaunting alcohol. Dahan-dahan niyang idinampi iyon sa sugat nito. Umigik ito kaya hinawakan niya ang gilid ng ulo nito.

"Sino bang kaaway mo, ha?"

"Wala."

"Hula ko, babae iyan no? Babae lang naman pinag-aawayan niyo eh. Well, bukod sa basketball siguro at mga laro."

"Wala ito."

Tinignan niya ito saglit bago nagkibit-balikat. "Sige na nga." Tinapos niya ang paglagay ng alcohol sa sugat nito. "Huwag mo na dagdagan iyan ha. Sayang naman iyung mukha mo." Bumalik na siya sa pagkakaupo sa puno. "Okay ka lang ba talaga, Marasigan?"

He smiled weakly. "Yeah."

Hindi na niya ito kinulit dahil mukhang ayaw nga nitong pag-usapan. They stayed like that until the lunch break was done. Pilit na lamang niyang ibinalik ang isip sa pag-aaral hanggang mag-uwian na.

Hindi naman niya kailangang mag-alala para rito. Mayaman naman ito at maraming taong gustong mag-alaga rito kung maghanap man ito.

Pumunta siya sa faculty room para ipasa ang isa sa mga papers niya na natapos na niya. Ayaw na niyang mag-antay ng deadline kaya kung tapos na agad niya ay ipinapasa na niya kaagad.

Pabalik na siya sa grounds nang maramdaman niyang may sumusunod sa kanya. May tatlong varsity players na naglalakad at nagtatawanan sa likod niya. Ipinagpatuloy na lamang niya ang paglalakad nang mapansin na may makakasalubong siyang varsity players din. Umiwas siya nang tumapat ang mga ito sa kanya. Mukhang wala namang plano ang mga ito na paraanin siya. Nalingon din niya ang players sa likod niya na malapit na rin.

Naiinis na tiningala niya ang isa. "Nalipat na po ba ang basketball court dito mga kuya?"

Nagtawanan lang ang mga ito.

"Pwede bang makiraan? Ganoon na ba kasikip ang hallway para hindi tayo mag-kasya? Kakarampot lang naman ang kailangan ko para makadaan. Baka naman po ano?"

"Ano bang nagustuhan ni Lake sa iyo? Hindi ka naman maganda. Ni hindi ka nga mayaman. Parang hindi ka pa nga nag-aayos eh. Neneng nene ka pa."

"Paano ba napasok iyon sa usapan? Hindi ako girlfriend ni Lake kung nagseselos kayo sa akin." Naalala nga niya na member ng varsity din si Lake. Ito ba ang nakaaway ni Lake kanina? Ano naman ang kinalaman niya roon? Ni hindi nga siya nanonood ng mga laro ng school nila. Naririnig na lamang niya kung nanalo o natalo ito.

"Kadiri. Pumapasok ka ng naka-tsinelas. Isa ka lang naman sa umaasa sa iba para makapag-aral. Bakit ba hindi ka na lang sa iba mag-aral. Doon ka nababagay, hindi rito."

Nagpanting ang tainga niya. "Kasi nga umuulan noon. Alangan namang mas gusto ko pa magka-alipunga kaysa magsuot ng leather shoes. Mas mabango at maganda pa ang paa ko kaysa sa mga mukha niyo. Saka ano naman kung pinag-aaral ako rito ng iba? Eh ano naman kung scholar ako? Buti nga ako may utak kahit walang pera." She readied herself in case pag tripan siya ng mga ito. Nakita niya ang hawak na bola ng isa, pwede niyang gamitin iyon.

Napansin niyang sinenyasan ng parang leader ng mga ito ang isa at iyon na ang cue niya. Kinuha niya ang bola at mabilis na drinibble iyon bago idirekta sa isa sa mga lalaki. Nawala ang atensiyon ng mga ito at mabilis siyang tumakbo. Pakiramdam niya ay si kamatayan ang humahabol sa kanya. Mabilis na hinabol siya ng mga lalaki.

Lumiko siya at umakyat sa hagdan ng mabilis pero naririnig pa rin niya ang boses ng mga ito. Hingal na hingal na siya at halos mawawalan na siya ng ulirat pero kailangan niyang tumakbo. Hindi niya kaya ang lahat ng mga ito. Matatangkad at malalaki ang katawan ng mga ito kumpara sa kanya.

Lumingon uli siya bago lumiko sa corner nang may mabangga siya. Kung ano man iyon ay hinawakan siya kaya nagpumiglas siya.

"Bitiwan mo ako!"

"Hey, hey, hey. Lunariss. It's me, Lake. What's happening?"

Tumigil siya nang marinig ito. "Lake? Lake!" Kumapit siya sa uniform nito at napaiyak na lamang. She felt weak and out of breath. Wala na siyang enerhiya. She actually felt relieved to see him. Wala siyang maituturing na tagapag-tanggol sa mga taon na lumaki siya. Kaya siguro iba sa pakiramdam na may magtatanggol sa iyo.

"What's happening-"

Doon niya narinig ang boses ng mga lalaking humahabol sa kanya. Mas humigpit ang kapit niya rito.

"Lake?"

"What now, Fred?" Narinig niyang tanong ni Lake. May bahid ng inis sa boses nito.

"Hindi mo ba talaga lulubayan iyan? Hindi mo naman girlfriend iyan ah."

"What do you care?"

"Panira siya ng image natin, bro! Imagine mo MVP tapos si tsinelas girl lang ang girlfriend mo."

"My affairs are none of your business. And with this, aalis na talaga ako sa team."

"Hindi ka papayagan ni coach."

"Well I guess he just needs to choose to retain me or you. Makakarating ito sa guidance office. Umalis na kayo." Matigas na sabi nito.

Narinig na lamang niya ang mga labag palayo at naramdaman ang pag-hagod ng kamay ni Lake sa likod niya.

"Marasigan..."

"Are you okay? You're shaking."

Pinunas niya ang mga luha niya bago lumayo rito. "Sorry. Natakot lang ako." Saka lang tumimo sa isip niya kung gaano siya kalapit dito.

Hinila uli siya nito at niyakap. "I'll take you home."

Hindi niya alam kung paano sila nakarating sa sasakyan ng mga ito pero nanahimik lang siya nang makasakay. Lake maintained his distance as if he's afraid to touch her.

"Did they touch you?" Mahinang tanong nito.

Umiling siya.

He sighed in relief. "Did they hurt you? Nasaktan ka ba nila?"

Umiling uli siya.

"Can I do anything to make you feel better?"

"Sila ba ang dahilan kung bakit may sugat ka sa labi? Dahil ba sa akin?"

"Those bastards care about their image more. And me being close to you didn't really make them happy. Because you're not in the 'it' circle. Hindi ka raw bagay sa akin."

"Wala namang namamagitan sa atin. Nag-uusap lang tayo paminsan-minsan. Ikaw kasi, feeling close ka."

"Sorry. I brought this upon you."

"Hindi mo na ba ako kakausapin niyan?"

"Gusto mo ba?"

Hindi siya nakasagot parang naguluhan siyang bigla. Paano ba sila nakarating sa punto na ito? They were just arguing about a tree one day and here they are like friends. Are they really friends? Bakit parang affected siya kung hindi man sila mag-usap nito.

"If it will make you safer."

Nang ibaba siya nito ay nagulat siya nang bumaba rin ito. "I'll just walk you home for the last time."

Tahimik lang silang naglalakad. Bakit parang nalulungkot siya?

Habang naglalakad siya sa tabi ng binata, mas ramdam niya ang presensiya nito. His hands were in his pockets again. He was looking straight ahead as if deep in thought.

Paano ba kami umabot sa ganito?

CHAPTER 6 >>

Versailles Series Book 1: The Doctor [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon