Chapter 49

417 19 0
                                    

***

Nox Cantrell

NAPATANGA ako sa gamit na ipinakita ni Arkin. Hindi makapaniwala sa narinig. "SIYA! Siya ang nakahanap sa inyo, pero hindi pa siya bumabalik. Ano ba ang nangyari sa inyo sa gubat? Alam nating makakabalik at makakabalik si Zavy dahil matalino yun," nagsususpetsya niyang saad.

Nakita niya ba yun? Nakita niya ba ang.. HALIKAN? Basta ang naaalala ko ay matapos akong halikan ni Rica, ilang sandali lang ay mag helicopter agad na sumaklolo samin na para bang nakaabang lang sila.

Pero baka pinagtatakpan lang nila si Zavy para hindi ako magalit. "Tsk, pinagtatakpan niyo lang siya, pero ang totoo hindi man kang siya nag-abalang tumulong sa paghahanap sa'min! Tumigil nga kayo! Tsk!"

"Tuleg ka ba?! Sarap mong batukan ah!" Hindi nga ako biniro ni Kae dahil agad niya akong binatukan. May kinuha siya, ang cellphone niya at kinalikot, pagkatapos ay iniharap niya sa'kin.

"Where in the hell are they?!" Sigaw ni Zavy sa video, pero bakit?!

Kinwelyuhan niya ang isa sa mga staff at pansin na pansin ang kanyang mga matatalim na tingin. "You irresponsible dimwit! I swear! If something bad happened to him, ready your coffin asshole!!" Sinuntok niya pagkatapos. Para bang isa siyang halimaw na hindi mapigilan ang pagwawala .

Naputol na ang video at ibinalik ni Arkin sa bulsa niya ang cellphone. "See that?" Tinuro niya ang mga men in black. Tumango naman ako. Ang dami nila, parang may kung anong elite ang nandito dahil sa dami nila.

"Mga taga-Yakuza yan, agad agad siyang may tinawagan kanina and poof! May dumating na mga helicopter and dumating ang mga yan."

"Also, may iba ring dumating. Mga men in black sila pero pansin ang mga necklace nila na hindi pinapakita ang pendant, hindi ko pa sila nakikita noon. Kaya nakakapagtaka rin, and nandito si Dad." Biglang singit ni Kae.

Napatango-tango naman ako. Did I really judged her like what the others did? Paano na to? Bakit ba kasi ang tanga tanga ko?!

Tama nga si Zavy, I'm really stupid. Really, really stupid. Napahawak ako sa aking buhok, at sinabunot iyon. Napayuko ako, shit this is not happening.

"Dad? Sino ba kasi ang mga yan? Ngayon ko pa lang sila nakita," takang tanong ni Kae sa Daddy niya na kakarating pa lang.

Tumingin sa magkabilang gilid si Tito. "They—" may biglang sumulpot na lalake sa min.

"Hinahanap niyo po ba si Zavy?" Tumango ako. Kailangan na kailangan ko siyang mahanap, dalawa na ang pending na kasalanan ko.

Napatango tango rin siya. "Ah, nung umiihi po ako. Nakita ko siyang tumatakbo palayo, umiiyak. Susundan ko po sana siya, kaya lang naiihi talaga ako eh. Sorry naman, mahirap pag sumabog ang pantog nang hindi nilalabas diba?"

Agad na nakuha niya ang atensyon ko. Bakit umiiyak si Zavier?

Bakit naman siya umiiyak? Akala ko ba hinahanap niya kami? Nakita niya kaya yun? Pero kung nakita niya, bakit naman siya iiyak?

"Sige salamat." Tumango lang ang lalake at umalis. Hinila kami ni Tito papuntang helicopter niya.

"Tungkol sa tinatanong ninyo, sa bahay na natin pag-usapan. Delikado kapag dito natin buksan ang usaping iyan." Gusto ko sanang matawa dahil sa lalim ng Tagalog ni Tito ngunit hindi ito ang tamang sitwasyon

Tumango kami at bumuntong hininga.  Zavy, I hope you're okay, mage-explain ako. Promise.

-

NAKARATING naman kami kaagad sa bahay ni Kaemoon. Agad agad naman kaming pumasok sa isang kwarto, lumingon lingon pa si Tito, chine-check kung may tao ba sa paligid.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon