Chapter 60

360 18 0
                                    

Just a short message guys, thank you so much for reading SMBG! Salamat po sa suporta niyong lahat hindi ko man kayo kilala lahat (dahil di naman po kayo nagco-comment😂) but my most heartfelt thanks will be given all to you!

7.5k reads na!!

***

Zavier Yutsuko

"Ang kantang ito ay para sa isa naming kaibigan na, minsan naming iniwan sa ere." huminto si Arkin sa pagsasalita sa itaas at sinenyasan si Nox na pumunta sa stage. So ito ang pinagkakaabalahan nila ah?

Tinignan ako ni Nox na parang nagpapa-alam kung papayag ba ako. Siyempre naman nuh. Nginitian ko siya. "Go, ayusin niyo ang gusot na yan!" at pabirong itinulak ko siya papunta doon.

Tumawa lang siya at naglakad patungo roon, kitang kita ko pa ang panginginig ng kamay niya. Kinakabahan ang gago, tsk tignan mo nga naman. Magkatabi sila ngayon ni Arkin sa stage.

Kitang kita mo sa mga mata nila, ang pangangamba kasabay nun ang pagpapaumanhin. They're really guilty huh? They should be, malaki ang kasalanan nila nuh!

"A-ah, Sailor Moon este Kaemoon pala." natawa ang lahat sa sinabi ni Nox kaya napakamot siya sa kaniyang ulo. Kulokoy pa rin talaga, pati si Sailor Moon nadamay pa.

"Sorry sa lahat ng nagawa namin sayo," malungkot na saad ni Nox. Sana maayos na nila to. Tumingin ako kay Kae na katabi na naman ni Lennox. They're really hitting each other, si Kae naman kumekerengkeng na.

Nakita kong napaluha si Kae, she really looks like a girl lalo na pag inayusan lalo na sa height niya. "We know that, we should've accept you for who you are." then he looked at Kae with sincerity. "Cause you're you," sabi niya na nakalahad sa gawi ni Kae ang palad na nito na parang nanghihingi ang form.

Ibinigay ni Nox ang mic kay Arkin. "We're very sorry Bro, na-shock lang talaga kami!! Putangina like, bakla ka?! Shit naman, gulat ako nun!" explain ni Arkin na nanlalaki pa ang mga mata.

Napatawa naman kaming lahat, kahit kailan talaga walang ka galang galang ang bibig nito. "Kaya sana, mapatawad mo kami. We're friends forevah ryt?" kinakabahang tanong ni Arkin.

Natahimik ang lahat nang umakyat si Kae sa stage, bigla niyang nilapitan ang dalawa. "Woah!!" reaksiyon ng lahat nang suntukin nito ang dalawa. Yan, bagay  yan sa mga taong judgmental. Baka sakaling maliwanangan sila.

But after that, nagyakapan silang tatlo at nagtawanan. I guess, okay na ang lahat? Kasi naman, bakit pa pag-aawayan ang mga maliliit na bagay diba? Pinapalaki kasi, maliit na nga pinapalaki pa mga gago rin eh.

-

New Year ang bilis ng panahon grabe. Nandito kami ngayon sa bahay nila Mom and Dad. Nagka ayusan na rin kami.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon