Chapter 58

353 18 1
                                    

***

Kaemoon Kakana

Patay na talaga, shit is happening! Nanginginig ang katawan ko, at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. I can't believe this!

Hinang hina na napa-upo sa aking upuan at maluha-luhang tinignan ang mga best friends ko. Ang hirap, sobrang hirap. Na itago kung sino ka talaga para hindi ka husgahan ng lahat.

Matagal na akong ganito, simula nung 9 ata ako? Well, sasabihin kong bisexual ako. Dahil, minsan nagkakagusto naman ako sa babae eh.

Tinakpan ng aking dalawang palad ang aking lumuluhang mukha. Wala na, wala na. Mawawalan na ako ng kaibigan. Hindi lang kaibigan, kundi mga matalik na kaibigan.

Bakit pa ba kasi ako naginh ganito? Bakit hindi pa ako naging straight? Wala na sanang ganito kung naging mas matuwid pa ako sa ruler.

Inangat ko ang aking paningin, ang lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Ewan ko lang kung hinuhusgahan nila ako o ano.

Ito na nga ba ang ikinakatakot ko. Pero.. Bakit ginawa iyon ni Nox? Masyado na ba talaga akong halata? Paano na? Ano na ang gagawin ko?

"Y-you're a fucking gay?!!" galit na tanong ni Arkin. Napayuko ako, bakit ganun? Bakit pag tinanong nila ako nun ay isa akong nakakadiring nilalang?

Muli ko namang inangat ang aking ulo, kahit lumuluha ay tinignan ko sila. Ang sakit sa puso, parang dinudurog ng pinong pino ang puso ko. Ano ba ang nagawa ko at naging ganito ang kinahantungan ko?

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko, takot, kaba, sakit at inis. Dahil ba sa ganito ang kasarian ko, gaganituhin nila ako? "We. Don't. Have. A. Gay. Shit!" sigaw ni Nox at umalis sa kanyang kinauupuan, nanlilisik na mga matang tinignan ako ni Arkin.

"You fucking great pretender!!" umalis na rin siya, sabay ng pag-alis nila sa buhay ko. Ang mga taong kabilang sa mga taong minahala at pinahalagahan ko. Ang mga taong pinagkakatiwalaan ko.

Itatakwil nila ako dahil lang sa bakla ako?! Eh putangina pala eh! Mga pekeng kaibigan!

Naramdaman kong may yumakap sa akin sa likod. Nilingon ko siya.

"Z-zavy?" gulat kong tanong. Bakit hindi pa siya umaalis?

"Come on, cry all you want. I'm here," marahang pagpapagaan niya ng loob ko sabay himas himas ng likod ko. Hindi ko namalayang hindi na pala tumitigil sa pagtulo ang mga luha ko.

"Why aren't you leaving?" tinignan niya ako. Kunot ang noo at tila hindi alam ang pinagsasasabi ko.

"Huh?"

"Bakit hindi mo pa ako iniiwan?." bumuntong hininga ako. "Kagaya ni Nox at Arkin, they left me. And it really hurts!" yumuko ako at ibinuhos lahat ng luha ko. Ang sakit sakit pala.

"Shh, I won't do the same thing. I'm your friend, and your Lady." napangiti na lang ako ng mapait. Hindi ko inaasahang sa lahat ng taong nakasalamuha ko, si Zavier pa talaga ang dadamay sa akin sa mga panahong ganito.

I hugged her, as much as I could. I cried on her shoulder.

"Everyone, leave this place alone. And, I'm telling you. None of those information you heard especially this matter should not leak outsidr this resort? Understand? If you do, then be pleased to meet a demon later on," banta niya.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon