Chapter 77

267 16 2
                                    

Hello po! Sa mga gusto magpa-dedicate, comment lang po kayoo (☆^ー^☆)

***

Zavier Yutsuko

Napahawak ako sa kwintas na suot-suot ko.

"Ri, this necklace is for you. Para kahit papaano ay maalala mo ako palagi kahit saan ka man magpunta," sabi ni Oxford sabay lahad sa akin sa isang kwintas na kulay silver, may sakura design ito na kulay pula. Siya na rin ang nagsuot sa akin nito.

Bilang pambawi ay binigay ko sa kanya ang bracelet ko na binili ko pa sa Japan na may sakura design rin at kulay silver din ito. Ako rin ang nag-suot sa kanya nito. And he suddenly cupped my face and kissed me.

It was full of love. At kalaunan ay pinutol namin ito..

Mami-miss ko siya, kung hindi ko kailangan umalis hindi ako aalis eh. Tsk, buhay. "Queen, is there a problem?" lumingon ako kay Marcel. I just showed a small smile. "Hmm," sagot ko sabay tango ng isang beses.

Umupo naman siya sa tabi ko at ako naman ay napatingin sa kanya. I still remember how he kissed and confessed to me, it's still clear in my mind. And I didn't even expected it. Some says, unexpected surprises happens in unexpected time.

Third Person

Ilang linggo nang tila lantang gulay na naglalakad si Nox. Matapos kasing umalis ni Zavy ay hindi na ito nakapag-paramdam pa. Ni-ha, ni-ho ay wala siyang nakuha mula sa nobya.

Ang tanging ginagawa niya para maibsan ang lungkot ay hawakan ang palaging suot-suot niyang bracelet na binigay at sinuot sa kanya mismo ni Zavy. Lubos na rin siyang nag-aala para sa kanya, dahil wala talaga siyang balita kahit tuldok.

Sumandal siya sa upuan sa loob ng kanilang classroom at hindi pinansin ang mga mapanuring mata ng mga kaklase. Maski sila ay nagtataka na rin kung nasaan ang kanilang iniidolong kaklase.

"Asan kaya si Zavy ano?"

"Oo nga, may problema kaya sila Nox kaya hindi sila nagkikita at hindi pumapasok si Zavy?"

"Baka nga nag-away sila, kaya hindi na muna pumapasok sa school si Zavy."

Nagpanting ang tenga ni Nox dahil sa mga narinig ngunit hindi niya ito pinansin, sadyang ang o-oa lang talaga ng mga classmates niya at kung ano-anong hypothesis na ang nabubuo sa mga utak nila.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon