Chapter 25

884 31 0
                                    

***

Zavier Yutsuko

I tilted my head. Ang dami nilang hawak na armas, some are pointing their guns at me. I'm not even nervous, mas lalo lang nilang pinapagana ang dugo ko. I can clearly see that some are shaking.

Wala pa nga akong ginagawa takot na sila? Pero hindi ba madaya kung sila may baril, tapos ako wala? Aww, a game must be fair! I dashed towards them like a blade slicing the air.

"Let's make it fair shall we?" Saad ko at nginisian sila. Samo't saring reaksiyon ang nakuha ko. Even my men got shocked with what I've done. Dahil sa talas ng katana ko ay maning-mani kong pinutol ang mga kamay nilang hawak ang baril na ni hindi man lang nila mahawakan ng maayos.

"See? Winning fair and square is more fun right?" Panunudyo ko sa kalagayan nila. Nanlaki ang mata ng nagsisilbing boss nila and his body us shaking endlessly. I stuck out my tongue to him.  

"Atakihin niyo siya! Huwag niyo hahayaang makakalabas siya ng buhay dito!" Agad namang sumugod sa gawi ko ang mga natirang hindi naputulan ng kamay. I once again positioned myself.

"You'll get beheaded first, before you can even scratch the hell out of me." Ngumisi ako sa kanya at hinanda ang aking katana. Yumuko ako nang makita ang isang paparating na suntok.

Pagkatapos ay sinipa ko ang nasa kanan ko at umikot ako upang patidin ang nasa kaliwa ko. Pagbangon ko ay agad na tumama ang sapatos ko sa lalakeng nasa aking harapan.

Tsk, they don't even have the experience to fight tas ang lakas ng loob nila? I jumped at sinipa sa dibdib ang lalakeng may dalang baril sa gilid ko.

I finished them un a blink of an eye..

"Oh no!" Ani ko na parang nalulungkot. "I have finished them, paano ka na?" Mula sa kunwareng malungkot na tinig ay agad na naging mapanukso ang aking bawat salitang binibitawan.

Naglakad ako papalapit sa kanya habang may ngisi sa aking mga labi. I'm loving the way he walks backwards with shaking knees. Muntik pa siyang bumagsak dahil sa panginginig niya.

Mas lalo ko siyang tinuksi at mas binilisan ang pace ng paglapit ko sa kanya.

"Huwag kang lalapit!" Itinutok niya ang baril niya sa'kin. Napatawa naman ako. Oh, this man. Ang tawa ko ay agad na napalitan ng seryosong ekspresyon.

"Who ordered you?" Patuloy akong dahan-dahang naglakad habang sinasadya kong tumama talaga ang katana ko sa sahig, sanhi ng isang napakasakit na tunog. Ramdam ko ang takot niya mula sa kinatatayuan ko.

"Huwag kang lalapit! P-papatayin kita!" Nanginginig na ang kamay niya at halos hindi na niya ito maitutok pa sa akin ng maayos.

"Bro," I chuckled, and my face became serious "you're funny." My eyes darted at him like I'm going to pierce his soul.

"I SAID WHO?!" Halos dumagundong ang boses ko sa apat na sulok ng kwartong iyon. Umiiling-iling siya habang nanginginig na napasandal sa pader. Ubos na ang pasensya ko sa kanya. Dagdag pa ang lugar na to na sobrang kaydiri.

I slashed his chest slant. Agad siyang napahawak doon. I felt satisfied but still not enough.

"Argh!!" My lip rose as I watch his blood drip down the floor. "Wala kang makukuha sa'kin!" Sabi niya matapos niyang dumaing sa ginawa ko sa kanya.

Well then, madali lang din naman akong kausap.

I tilted my head and observed him. "You really messed up with the wrong person." And with a one swift move, a head was falling down the ground like a ball failed to enter the basket.

-

PAGKARATING na pagkarating ko sa bahay ay agad na kumuha ng atensyon ko ang mga kotseng nakaparada sa harap ng bahay namin. Dis oras na ng gabi, sinong pupunta sa bahay ng ganitong oras?

"Bakit may mga kotse? Do we have visitors?" Takang tanong ko at napatingin sa bahay. Pumasok na lang ako dahil medyo malamig na rin, alas dos na ng madaling araw. Pagkabukas na pagkabukas ko ng main door ay nakuha ko agad ang atensyon ng lahat.

They were staring at me na para bang nakakita sila ng multo. Ngunit may isang taong nakabawi agad and rushed towards my direction.

"Zavier! Goodness you're here!" Hindi ko alam ngunit hindi man lang ako nakagalaw at nakatayo lang habang dinadamdam ang lakas ng tibok ng puso ko.

Why is he doing this? Kaano ko ba siya? Does he know na para akong sinisilaban when he's this close? Sinasadya ba niya ang lahat ng to?

"You made us so worried!" Kumalas na siya sa pagyakap sa'kin at hinawakan ang dalawang balikat ko.

Tinignan niya halos lahat ng kasuloksulokan ng katawan ko, kulang na lang ay tignan niya rin ang kaluluwa ko. Bahagya siyang napatigil nang may napaglagtan ang tingin niya.

"For Pete's sake! Is that blood?" Gulantang niyang ani na nakatingin sa may siko ko. Kalmadong napatingin ako sa sinabi niya, yup maybe may hindi ako napunasan dahil sa pagmamadali ko.

I smiled at him telling him that I'm okay. "Yeah, may nasagi lang ako. Why are you here anyways?" Bahagya siyang lumayo sa'kin na para bang napagtanto niya na ang kanyang nagawa.

Lumayo nga siya pero parang tatlong dangkal lang. He looked away like a shy kid.

"N-nawawala ka raw, so we immediately went here to help find you." I chuckled, he looks like a cute puppy na nahuli sa ginawang kasalanan. Hindi ko alam but parang gusto kong manggigil sa mukha niya.

Oxford doesn't have chubby cheeks para kurutin ko, nor soft features. He's a very fine young man, with uhm a soft silly heart, I guess?

"Thanks." I smiled at him and pinched his cheeks. But still, nagawa ko pa ring kurutin ang mukha niya dahil hindi ko mapigilan pa ang gigil na nararamdaman ko not minding the people around us na alam kong wewerduhan na ngayon.

"Are you okay?" Nag-aalala nitong tanong and I nodded. Of course I'm always okay, I'm built like a machine with a very strong unbreakable armor.

"Oo, don't worry, I'm Zavier no one can hurt me."

***

Thanks for reading 🖤

PRES.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon