Chapter 20

955 43 0
                                    

***

Zavier Yutsuko

I silently drove my Red Jaguar. Hinahayaang pumasok ang kung ano mang bagay sa utak ko. In simpler terms, lutang akong nagda-drive. Nakakainis man ang walang katapusang trapiko, wala na akong magagawa pa.

"Aishi teru you, Annaisha." Napatigil ako at natulala sa kawalan nang marinig ang tinig na iyon mula sa nakaraan ko. And from there, series of my past started to play like a movie.

-

"Apo!" From a distance an old warm homey voice called me kaya napatingin agad ako. I waved at him and beamed a smile.

"Wowo!" Lumapit siya sa'kin at kinarga ako. Kahit sobrang likot ko ay hindi nagreklamo si Wowo, instead he just carried me carefully na para bang isa akong babasaging gamit.

"Are you hungry, my Isha?" Masuyong tanong ni Wowo. Tumango-tango ako.

"Yes, Wowo. I want strawberry!!" He chuckled and messed my hair kaya masayang napapikit na lamang ako at hinayaan siyang guluhin ang buhok ko. It's a normal thing to us, one of his ways of showing his love.

Pumunta na kami sa loob, Wowo prepared a bowl of strawberry na agad ko namang nilantakan. Pansin ko ang pagtingin ni Wowo sa'kin kaya hindi ko maiwasang tanungin siya.

"Wowo, is something wrong?" Para naman siyang nabalik sa ulirat, ngumiti siya at umiling. Tumango ako kahit alam kong mayroong mali sa mga tingin niya. Yung tipong, may itinatago siya, ngunit ayaw ko namang pilitin ang Wowo ko baga magalit ito sa'kin.

"Nothing, Isha." Napatango ako, and continued eating, but a question suddenly popped up in my mind.

"Wowo, why are you calling me 'My Isha'? I have a lot of names, but.. why that?" Kumunot ng sandali ang mukha niya, but it went soft afterwards.

"You really want to know?"

"Opo!" Masiglang ani ko sa kanya at tumigil pa sa pagsubo.

"Me and your grandma, we always wanted to have a daughter. But instead of having one, we had a healthy baby boy, your father." He smiled na para bang meron siyang inaalala.

"If we'll have a baby girl, we will name her Annaisha. We never had a baby again aside from, Taigen. But you, my Isha, came." Ngumiti siya sa'kin, isang ngiting punong puno ng pagmamahal.

Sa ilang taon kong pamamalagi sa bubong ng Wowo ko, kahit kailan ay hindi niya pinaramdam sa'kin ang pagkukulang ng isang magulang. Ang sabi niya, pinabayaan daw ako ng Mommy at Daddy ko kaya napunta ako sa kanya.

Ilang katanungan din ang bumabagabag sa isip ko. Kung bakit iniwan ako ng magulang ko, at kung bakit hindi man lang nila ako binalikan. Ayaw ba nila sa akin? Makulit ako, pero hindi naman ako masamang bata.

Bakit ayaw nila sa akin? Pero kahit ganon ang kinahantungan ko, pinaramdam ni Wowo ang pagmamahal na pumuna sa pangungulila ko sa magulang ko. Kaya hindi ko na sila inaalala pa, masaya rin naman kami ni Wowo, kaya kuntento na ako.

"Your name symbolizes, a guiding light. And you will be, when you grow up. Always remember this, my Isha. Wherever you will go, Wowo will always be here for you no matter what happens. Aishi teru you Annaisha."

-

Continuous tears came out from my eyes. I let it be, hinayaan ko lang na umagos ito. Ni hindi ko iti pinunasan kaya basang basa ang pagmumukha ko.

I miss my Wowo so much. Gustong gusto kong ibalik ang panahon na kung saan nakakasama ko pa siya. Kung mabibigyan man ako ng isang hiling, iyon ay ang ibalik ang buhay ng Wowo ko, kahit kunin pa ng maykapal ang kung ano mang meron ako ngayon.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon