Chapter 73

266 15 5
                                    

***

Zavier Yutsuko

"Ano? Gigising pa ba siya?"

"Ogag! Malamang, OO!"

"Si Zavier pa? Eh sa may sa pusang demonyo 'yun!"

"Shh! 'Wag nga kayong maingay! Baka magising si Ri!"

"Tuleg ka ba?! Eh diba ikaw 'tong may gusto na magising na siya?! Edi tutulungan ka namin!"

Sino ang ingay na 'yun? 'Asan ako? Unti unti kong ginalaw ang aking daliri sunod kong minulat ang aking mga mata. Medyo blurred pa àng nakikita ko kaya, pinipikit-mulat ko ang aking mga mata.

Bumungad sa akin ang mga kaibigan ko. Ang iingay talaga kahit kailan! Biglang lumingon sa akin si Kae at nanlaki ang mga mata niya. Kailangan ba talagang lumaki ang mga mata? Sheesh! "S-she's awake!" gulat niyang sigaw habang nakaturo sa akin.

Ngumiti ako ng mahina at kinusot ang aking mga mata. "Grabe! That was the the worst nightmare ever!" untag ko na para bang batang nagsusumbong. "Can you believe it?! My pareng Pikoy just died in my dreams! Inside the factory, where all of us fought just to save him!"

Bigla silang napaiwas ng tingin, at tila hindi komportable sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko? "N-nightmare?" nauutal na saad ni Oxford. Tumango naman ako. "Yeah, I dreamed about Jiro's death! Fudge! It was horrifying!" kinakabahan kong sabi sa kanila. Nagkatinginan silang lahat.

Third Person

Nagkatinginan ang mga kaibigan ni Zavy. At ang nobyo niya. Hindi nila alam kung paano i-a-approach ang nightmare thingy ni Zavy. Kung paano sasabihin sa kanya ang totoo, na lahat ng nangyari sa panaginip niya ay totoo.

Bumilis ang tibok ng kanilang mga puso. At nilukob ng kaba ang kanilang dibdib. Hindi nila alam kung matatakot ba sila o maaawa sa reaksiyon ng kaibigan.

"R—"

"Can somebody please give me pants and shirt? Ughh! I hate dresses!" ungot ni Zavier na pumutol kay Nox. Tinignan niya ang kaniyang kabuoan at napangiwi siya nang mapagtanto niya na ang kaniyang suot ay hospital gown.

"O-okay, I'll get your clothes, wait here. Okay?" pag-sunod ni Celian sa utos ni Zavy. Mapanuring tinignan sila ni Zavy. Kumunot ang noo niya at tinignan sila isa isa. "Is there any problem? Why are you stuttering?" nagdududang tanong niya.

Napahinto sa kinatatayuan niya si Celian. Palihim niyang itinago ang kaniyang nanginginig na kamay at bumuntong hininga. "Is there any?" ulit niya.

"N-nothing," Celian answered. Iniwas niya ang kaniyang paningin. "I better go, para makapag-bihis ka na," paalam niya at walang ano ano'y umalis. Takang tinignan ni Zavy ang pintong nilabasan ni Celian.

"Anong problema nun?" bulong niya na siya lang ang nakakarinig.

-

'Paano na 'to?' tanong ni Nox sa kaniyang sarili.

"May problema ba?" mag bahid ng pag-aalalang tanong ni Zavier.

She's My Boyish GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon