Chapter 13

637 15 8
                                    

~Author's POV

"Speaking of...... tuloy pa ba yung plano natin?" tanong ni Shaldrin. Napatingin yung mga kaibigan niya sakanya.

"Oo. Baket? Gusto mong mag back out? Dahil ba yan kay Chanyeol?" sunod sunod na tanong ni Jessica. Napakagat labi nalang si Shaldrin dahil hindi niya masabi na si Chanyeol nga ang dahilan ng pagaalinlangan niya na gawin yung plano nila.

"Jessica, you can't blame Shaldrin. I mean, from the start, siya na din naman talaga saatin yung mahina ang loob na gawin yung plano natin. So we can't blame her for having second thoughts." defend naman ni Amethyst kay Shaldrin.

Nag half smile nalang si Jessica. "Sorry, sabi na nga ba eh dapat hindi ko nalang kayo dinamay dito sa plano ko. It's okay if you would guys back out but of course, for me, it would be better if... y'know, we'll stick to the plan."

Lumapit si Shaldrin kay Jessica. "Hindi kami magba-back out, Jessica. We're bestfriends, aren't we? At ang mga magbe-bestfriends, hinding hindi hinahayaan na gumawa ng isang bagay ang isang tao ng mag isa lang. So, I'm sticking to our plan."

Lumapit na rin si Amethyst kila Shaldrin at Jessica at nag group hug silang tatlo. Sina Trisha at Summer naman ay nagkunyaring umiiyak.

"Grabe, nag group hug sila ng wala tayo. Napaka sama talaga ng mundo saatin no? Palagi nalang tayong nale-left out." pagdra-drama ni Summer.

"Ikaw lang no." sagot naman ni Trisha sabay takbo kila Amethyst para sumama sa group hug. Sabay sabay naman silang nagtawanan.

"Sige, ganyan naman kayo eh. Palagi naman ako yung OP eh. Ako naman ang pinaka hindi niyo mahal diba? Tanggap ko naman eh." pagmumukmok ni Summer.

Nagtawanan sina Trisha, Amethyst, at Shaldrin at sabay sabay na pumunta kay Summer para i-hug siya. "Napaka tampururut mo talaga!!" sigaw ni Shaldrin saakin.

"Oo nga pala. Nung unang beses na inexplain saakin ni Jessica yung plano, medyo hindi ko siya na gets. Pwede paki emphasize uli?" request ni Summer.

Napa face palm si Jessica. "Hindi ka nakinig nung nag explain ako, no?"

Nanlaki bigla mga mata ni Summer. "Oy, nakinig ako ah!! Lumipad lang talaga yung utak ko ng unti kasi naman ang dami mong echos eh!!"

Napabuntong hininga silang lahat except kay Summer. "Hindi ka nga talaga nakinig. Napaka clueless mo talaga kahit kailan sa mundong to."

Napa pout si Summer. "Grabe, ginawa niyo pa akong walang alam." -.-

Tumawa silang lahat. "Oo na, eto na. Ie-explain na po."

Nag breathe in breathe out muna si Jessica. "Kasi ganito yun, magseset up tayo ng isang scripted scene. Scene kung saan ay makikita tayo ng Manager ng EXO na nagsasayaw habang kumakanta. I've got to admit, we all have the talent when it comes to singing and dancing.. Hindi lang natin nalabas nung nag perform tayo sa harap ng EXO. So, when that happens, when their manager sees us, he will talk to us right? About our talents? At sisiguraduhin natin na irerecommend tayo ng manager ng EXO sa mga tao or who knows, maybe sa owner ng SM ENTERTAINMENT. And that, is the beginning of our plan. And so on and so on, once na napasok na tayo sa SM ENTERTAINMENT through auditions, we will strive for the fame. We'll make ourselves famous then we'll get our revenge on EXO."

Napanganga si Summer. "Sabi na nga ba eh, ang echos talaga ng plano mo!!

~A/N: Merry Christmas sa lahat!! Short update lang po ito. Para lang po malaman niyo na kung ano talaga yung plano nila. ^^

EXOtic FangirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon