Chapter 8

901 27 2
                                    

~Jessica's P.O.V

"Ang taray natin gurls. Talagang yung manager pa ng EXO ang pumunta dito para lang mag sorry!" amaze na amaze na sabi ni Summer.

Binatukan ko siya. "Lokaret. Taray taray ka diyan. Dapat lang na yung manager ang mag sorry no." sabi ko naman.

"Oo nga, Summer. Dapat lang na Manager ang nag sorry. Kasi sobra yung humiliation na natanggap natin" paga-agree naman ni Shaldrin.

Sasagot na sana si Summer nang nagbukas yung pinto ng hotel room namin. And guess who that is? A sweaty and tired Trisha. Anyare sakanya? Parang ginahasa. =)))

"Anyare sayo? Para kang nakakita ng multo ah." comment ni Amethyst.

Huminga muna si Trisha ng malalim bago nagsalita. "Ano... kasi... ano... ganito... ano... SHET PUTCHA ANG GWAPO NI SUHO I CAN'T EXPLAIN MY FEELS I JUST CAN'T GIRLS ANG GWAPO NIYA PAKSHET"

Nanlaki ang mata ko. Hindi lang ako. Pati kila Summer, Amethyst, at Shaldrin.

"Oh anong problema niyo?" tanong ni Trisha.

"Anong problema naman? Hindi dapat kami ang nagtatanong niyan sayo? Bigla ka nalang nagwala diyan. Jusko. NAKAKALOKA KA." sagot ni Summer.

"On the way ko nalang sasabihin. Magbihis na muna ako." sabi naman ni Trisha.

Napataas ang aming mga kilay. "Huh? Anung on the way sasabihin?" tanong ko.

"At anong magbibihis? Para saan?" tanong din ni Amethyst.

"Mga gaga, diba nga mamasyal tayo? Ang ulyanin niyong dalawa." natatawang sagot naman ni Shaldrin. Tumawa nalang kaming lahat at tumango.

~Manager's P.O.V. || EXO's hotel room. Nasa iisang room sila. :-)

"Nag sorry ka sakanila?! As in sa loob ng hotel room nila?!" gulat na gulat na tanong ni Kai.

"Oo, Kai. Maka pag react ka diyan. Bakit, may mali ba sa ginawa ko?" tanong ko kay Kai.

Napakagat labi si Kai. "Manager naman, dapat bago kayo pumunta duon sinabihan niyo ako. Para naman sana nakasama ako at nakapag sorry ako ng personal dun kay... ano.. Jessica.. tama ba? Jessica yung name, right?"

"Sorry naman. Anyway, that's all I wanted to say. You guys go rest. We've got a big day tomorrow." sabi ko naman sakanila at tuluyan na nga akong lumabas.

~Kai's P.O.V

"Aiishhhh, si manager talaga nakakainis. Hindi nagsasabi." naiinis kong sabi.

Tumawa silang lahat na members ng EXO. "O, anong nakakatawa?" naiirita kong tanong sakanila.

EXOtic FangirlsWhere stories live. Discover now