Chapter 9

787 22 3
                                    

~Chanyeol's POV

Nan seulpeoyo~ (I am sad)

Hay buhay, parang life. Minsan ang hirap, minsan ang dali. Minsan ang saya, minsan ang lungkot. Bakit kasi may kasalungat pa sa lahat ng bagay? Takte! Ang drama. -.-

Nakabusangot akong lumabas ng Lotte World, dumiretso na rin ako papunta dun sa van namin. Pagpasok ko pa lang, napansin na nung driver yung itsura ko pero pinabayaan nalang niya ako. Buti naman, wala ng tanong tanong..

Buong biyahe, nakatingin lang ako sa labas ng sasakyan. Anong nangyari sa pagiging masayahin ko? Maya maya, huminto na kami. Hindi ko napansin na nandito na pala kami. Ang bilis ng biyahe.

Bumaba na ako at nagpasalamat sa driver. Mabagal akong naglakad papunta sa hotel. Pagkapasok ko, umupo ako agad sa couch dun sa lobby. Pinatong ko yung braso ko sa mukha ko and let out a deep, heavy sigh.

"Sana meron pang ganung gitara sa ibang shops....hahanapin ko nalang yung shop na yun."

Nagisip isip ako saglit. Maya maya naisipan ko ng bumalik sa kwarto para magpahinga. Tumayo na ako at naglakad pero napatigil ako agad dahil nadaanan ko si...

SHALDRIN.

Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako pero agad ding nawala yun dahil naalala ko nanaman yung nangyari dati. Nako, Kai. Kung sana lang talaga hindi ka tinopak nun edi sana bati na tayong lahat. -________-

Naglakad nalang ulit ako pero napatigil nanaman ako ng narealize ko kung ano yung hawak niya.. Dahan dahan akong tumalikod at napako ako sa kinatatayuan ko.

O_____________________________O

W-O-A-H.

T-totoo ba to?! Y-yun ba talaga yun? Hawak ba talaga niya yun?! Siya? SIYA BA ANG NAKABILI NG PINAKAMAMAHAL KONG GITARA?!!?!?

Ang daming tanong ang pumapasok sa isip ko pero isa lang ang dapat gawin para makuha ko ang mga sagot. Lumakad ako palapit habang nakatingin ako sa gitara at sakanya. Waah, buti pa siya nahahawakan yung gitara, ang cool niya tignan.. Pero mas cool kapag ako ang nakahawak. T_____T

Maya maya napansin na niya ako kaya tumingala siya. Nung una, nagulat siya pero kinausap pa rin niya ako.

"C-chanyeol? A-anong ginagawa mo dito?" Tapos ngumiti siya ng pilit.

Napatitig ako sakanya at bigla namang nawala yung inis na nararamdaman ko kanina. Alam mo Kai, hindi mo dapat talaga sila pinahiya eh. Ang ganda niya oh! E-eh? Sinabi ko ba yun? Anong connect nun? Hala, nababaliw na ako.

"Uh..wala naman. P-pwede makiupo?" umiwas ako ng tingin pero nakita kong ngumiti siya. Ngiting hindi pilit. Gaaaaaaaaaah, hindi ba niya alam na madali akong maattract sa mga babaeng magandang ngumiti? -_________-

"A-ah sige. " Pagkasabi niya nun, umupo ako agad pero lumayo naman siya sa. Hala, takot ba siya sa akin? Tumingin ako sakanya pero busy lang siyang nagiistrum ng gitara. 

EXOtic FangirlsWhere stories live. Discover now