Chapter 4

1K 31 6
                                    

@ EXO's practice room

Nang natapos nang magsayaw lahat ng nirecruit ni Manager Hyung as back up dancers ay napagdesisyunan ng EXO-K at EXO-M na magpahinga na muna saglit sa practice room bago sila tumuloy sa sarili sarili nilang hotel room. 

Si Kai naman ay mainit parin ang ulo kay Jessica. Hindi naman maiiwasan yun ni Kai dahil first time niyang na-experience ang may magpahiya sakanya sa harap ng SM entertainment staffs at kapwa EXO co-members niya. 

"Aish!!" Sigaw ni Kai habang binubuksan ang bottled water na kinuha niya sa bag niya.

Nagbuntong hininga si Suho. "Ano na naman bang problema mo, Kai? Hindi ka pa ba na satisfied sa panghihiyang ginawa mo kanina sa mga babaeng ni recruit ni manager? Pati tubig eh nilalabasan mo ng galit. Maawa ka naman oh."

Napatingin lahat bigla ang EXO kay Suho. "Wag mo akong pakielamanan, Suho. Hindi mo ako responsibilidad para pagsabihan ng ganyan." sagot naman ni Kai.

Lumapit si Suho kay Kai at sinabi na, "Oo, hindi man kita responsibilidad bilang isang tao pero responsibilidad kita as a member ng EXO-K. Baka nakakalimutan mo ako parin ang leader niyo. At mas matanda pa rin ako sayo. Matuto ka sanang galangin ako." 

Biglang napakagat si Kai ang kanyang labi. Mukang ngayon niya na lang ulit na-realize iyon, na leader pa rin ng grupo nila si Suho. At mas nakakatanda parin sakanya si Suho.

Tumingin ng diretso si Kai kay Suho at nag half smile. "I'm sorry, hyung. Hindi ko naman kasi mapipigilan ang sarili ko na mainis eh. First time kong naranasan yun. Ang mapahiya sa harap niyong lahat at ng SM entertainment staffs. Lalo na at babae pa ang nagpahiya saakin. That's a big shame on me." 

Napangiti nalang si Suho sa sinabi ni Kai. "Hmmm, tama ka nga. Pero, hindi ka naman ipapahiya kung hindi mo pinahiya yung mga kaibigan niya eh. Yung mga dance steps nila. Sana nirespeto mo nalang. Sana hindi ka nalang umimik."

Biglang napakamot sa batok si Kai. "Alam ko, ako yung mali. Hindi ko naman tinatanggi yun eh. Hindi ko nga rin maisip na nasabi ko yung mga ganun sa mga babae eh. Nabigla ako, hyung. Bigla nalang lumabas yung mga masasakit na salitang yun sa bibig ko. Siguro dahilan yun ng pressure. Ng pagkadumog ng fans natin dito. Ng pagkapagod. Hindi ko naman ginusto yun eh. Hindi ko ginusto na magpahiya ng mga tao. Lalo na at mga babae sila."

Dahan dahang hinawakan ni Suho ang magkabilaang balikat ni Kai. "Naiintindihan kita, Kai. Siguro nga na pressure ka lang. Ok lang yan. Next time na bumalik sila dito o' makita natin sila, sana naman alam mo na ang gagawin." ngumiti nalang si Kai at hindi na sumagot.

Tumayo si Baekhyun at Chanyeol at pumalakpak at sumigaw ng, "WOOOOOHHHH!!"

Nagtawanan lahat ng EXO. "Ano na namang problema nitong dalawang to?" Pasigaw na tanong ni Kris.

Nagkunyaring umiiyak si Baekhyun with matching punas punas effect pa sa muka niya, para magmukang pinupunasan niya ang kanyang luha. "Si Suho kasi eh, ang galing galing mag advice. Kaya mahal na mahal namin to ni Chanyeol eh, right?" 

Ngumiti si Chanyeol na abot hanggang tenga. "Tama, tama. Napaka galing talaga ni Suho."

EXOtic FangirlsWhere stories live. Discover now