Extra chapter: So-called date of Shaldrin and Chanyeol.

486 12 2
                                    

~A/N: Second update. Boom beybeh. Next UD po is extra chapter for Suho and Trisha. Then another chapter, tuturuan na nila yung EXO na kumanta ng hawak kamay.

~Shaldrin's POV

Nakaupo na nga kami ni Chanyeollie bebelavs sa loob ng coffee shop. Kami lang yung tao dito. Okay, this is awkward. Muka kaming nagde-date!! HAPPINESS.

"Mago-order na ba tayo?" tanong saakin ni Chanyeol. Natawa naman ako bigla ng walang rason at tumango. "Anong meron? Ba't ka natawa?" tanong niya saakin pero umiling nalang ako.

Dahil kapag sinabi ko naman na tumawa ako ng walang dahilan, para naman akong ewan nun. =))

"Tara, order na tayo." sagot ko nalang sakanya, ngumiti naman siya at tumango. 

Pumunta na nga yung waiter sa table namin and heck, he was cute. Our eyes met and ohhhh, color blue yung mata niya. Omg. Maybe a foreigner? 

Natigil yung eye contact namin ng umubo si Chanyeol. "Excuse me? Our orders?"

"Uh-uh, sorry sir. What would you like to order?" 

Sinabi na nga ni Chanyeol yung order namin. Nag order siya ng dalawang banana hazelnut pancakes, isang kape tapos isang hot choco.

Sana saakin yung kape. Hindi pa naman ako masyadong mahilig sa mga hot choco.

Bago umalis yung waiter, ngumiti siya saakin. Ngumiti naman ako in return. Bigla akong napatingin kay Chanyeol ng may narinig ako na, "Psshhhhh." and I saw him roll his eyes.

What's wrong with him? 

"May problema ba, Chanyeol?" tanong ko. Pero wala namang imik si Chanyeol at napaka obvious na nagiiwas siya ng tingin dahil kung saan saan niya dinadapo yung tingin niya.

"That waiter looks handsome, don't you think so?" sabi saakin ni Chanyeol. At duon ko na nga napagtanto na nagseselos siya sa waiter na yun.

Makapal na kung makapal pero gahd, ang obvious naman kasi sa tanong niya na nagseselos siya dun sa waiter.

Grabe ka Chanyeollie, alam mo naman na ikaw ang one and only ko eh. :"">

Pero I decided to tease him. HAHAHAHHAHAHAHA.

"I know right. Ang gwa-gwapo talaga ng mga foreigners. Tapos yung mata niya. Grabeeeeee lang talaga." exaggerate kong sagot sakanya. But then he just rolled his eyes again.

Shet ang cute mag selos ni Chanyeol. "My eyes are better. And bigger." sagot niya saakin.

Hindi ko na napigilan na tumawa. Habang siya, nakatingin lang saakin. Tumigil na nga ako sa pagtawa. "Ang cute mo." sabi ko sakanya.

Pero tinasaan niya lang ako ng kilay. "What did you say?" pero tumawa nalang ulit ako. Good, mukang hindi niya narinig yun. Bago pa siya magsalita ulit, dumating na yung order namin.

EXOtic FangirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon