Extra Chapter: So-called date of Kai and Jessica.

504 23 18
                                    

~Third person's POV

Binaba na nga ni Amethyst yung phone niya at pumasok sa hotel room nila. Chineck niya yung mga kaibigan niya at nakita na tulog na tulog silang lahat. 

Napangiti siya. Kumuha na nga siya ng jacket at lumabas na.

Pero ang hindi niya alam eh gising pala si Jessica. Nagpanggap lang siyang tulog dahil napansin niya na parang iba yung kinikilsos ni Amethyst.

Bumangon na nga si Jessica sa higaan niya at dahan dahan na lumabas. Bigla siyang nilamig, gusto niya sanang kumuha ng jacket kaso mawawala na si Amethyst sa paningin niya.

Sinundan na nga ni Jessica si Amethyst at napansin niya na pababa siya.

Pumasok na nga si Jessica sa kabilang elevator at pinindot yung floor number 1. Hindi na muna siya lumabas dahil inantay niya si Amethyst na maka labas na muna.

Sumilip siya mula sa elevator at nanlaki yung mga mata niya. 

Hindi nagiisa si Amethyst. Kasama niya si Luhan at papunta sila sa labas. Hindi naman nagdalawang isa pa si Jessica na sundan sila.

Pero bago siya makalabas, may narinig siyang "ding." na parang galing sa elevator din. Nagtaka siya pero hindi nalang niya pinansin.

Lumabas na nga siya para sundan sila Luhan at Amethyst.

NG BIGLA SIYANG NAPANGANGA SA NAKITA NIYA. Punong puno ng fireflies yung garden ng hotel, as if na para kang nasa mundo ng mga fairies.

Nawala siya sa sarili niya. Napansin niya na lilingon si Luhan at bigla siyang nataranta. Pero bigla siyang may naramdaman na humila sakanya. 

Sisigaw na sana siya pero biglang tinakpan yung bibig niya. Bigla siyang napatigil. At ng nakapag-process na sa utak niya yung nangyayari, kinagat niya yung kamay na nakatakip sa bibig niya.

Tila ba parang tumigil yung mundo ni Jessica ng nakita niya kung sino yung taong yun. 

"kai----" hindi na natulog ni Jessica yung sasabihin niya dahil tinakpan ulit ni Kai yung bibig niya. At nag "shhh" sign naman si Kai sakanya.

Dahan dahan na tinanggal ni Kai yung kamay niya sa bibig ni Jessica. "Anong ginagawa mo rito?" bulong ni Kai.

"None of your business." 

But the least thing she expected Kai to do happened. He chuckled. "Sinusundan mo rin yung kaibigan mo 'no? Sinundan ko rin si Luhan eh."

Pero inirapan lang ni Jessica si Kai. "Aalis na ako." bago pa makatayo si Jessica ay hinila ulit siya ni Kai para mapaupo siya sa damuhan.

"Ano yun?" tanong ni Amethyst.

"Pusa lang siguro." sagot naman ni Luhan.

EXOtic FangirlsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin