Chapter 2

1.2K 36 4
                                    

"So, anong una nating gagawin?" tanong ni Shaldrin.

"Obviously, hahanapin natin kung nasaan ngayon ang EXO K at EXO M." sagot ni Summer ng nakangiti.

"Anong sa tingin mo ang gagawin natin para mahanap sila? Nasa South Korea tayo, Summer! Hindi  tayo pwedeng maglibot lang at magtanung-tanong kung sino ang EXO at kung nasaan sila!" inis na sabi ni Jessica.

Inirapan ni Summer si Jessica. "Jessica, sa tingin mo ganun ako ka shunga para gawin yun? Para maglibot at magtanong sa iba't ibang tao kung nasaan sila? Hello, a fangirl never and will never do that kind of thing."

"Pano nga natin sila hahanapin?" singit ni Amethyst. Alam niya kasing magaaway nanaman ang dalawa.

"Simple, through internet. Dun ako naghahanap ng mga informations tungkol sakanila so baka meron nakapost  dun kung nasaan ang EXO ngayon."

....

....

....

....

"Sure ka bang nandito sila?" tanong ni Jessica.

"Eh, sabi sa Internet dito daw. Try kaya nating pumasok para malaman natin?" sagot naman ni Summer.

"Pasok na tayo. Omg, kinakabahan ako." sabi ni Shaldrin.

Sabay sabay silang pumasok..

"Ma'am, sino po sila?" tanong ng guard. 

"Ano ba yan! May guard pa pala. Akala ko EXO na yung maabutan natin dito." bulong ni Amethyst.

"Malamang may guard pa! Anong akala mo, basta basta lang tayo papasok at makikita ang EXO?" sabat naman ni Summer.

"Anong sasabihin natin sa kumag na to?" sabi ni Jessica.

"Wag kayong mag-alala guys. May naisip na ako." sabi ni Shaldrin.

"Kuya, isa kami sa mga girl groups at magprapractice po kami ngayon." sabi ni Shaldrin at ngumiti ng pagkatamis tamis. 

"Paano kayo magprapractice? Full na lahat."

"Oh ano na ngayon Shaldrin? Magisip ka pa, baka mabisto tayo."  pabulong na sabi ni Amethyst.

"Aaaaaaaaaah! Naalala ko na. Kayo ba yung mga inimbita nung boy band?" tanong nung guard.

"Ha? Uhh....O-oo! Oo, kami po yun." sabi naman ni Summer.

"Sabi ko na nga ba. Sige, pasok na kayo."

"Saan pong room sila?" tanong ni Jessica.

"Katok nalang kayo sa room diyan sa kaliwa."

"Sige, salamat kuya!" masiglang sabi ni Shaldrin.

EXOtic FangirlsWhere stories live. Discover now