Chapter 31

522 17 6
                                    

~A/N: Ehem, mga silent readers, labas! Kung hindi palaging cliff hanger 'to. Joke. Anyway, things are going to get intense na. Enjoy. <3

~Author's POV

Pumunta na nga yung manager sa hotel kasama nung mga babaeng magkakaibigan.

Dumiretso yung manager ng EXO sa hotel room ng EXO.

At yung mga babaeng magkakaibigan naman ay dumiretso na rin sa hotel room nila.

Pagkapasok na pagkapasok palang nung manager ng EXO ay sinalubong na siya agad ng mga tanong. "How was your date, Manager?" pagjo-joke ni Kris.

Pero hindi nalang pinatulan ng Manager yun. Instead, tumayo siya sa harap ng EXO with a serious face. "I would like to ask you a favor...." dahan dahan na sinabi ni Manager.

"Yung mga kaibigan niyong babae dito.... gusto kong pilitin niyo sila para i-accept yung offer ko sakanila. Go out with them for all I care, basta mapilit niyo sila." 

Nag exchange looks ang EXO. "Offer? What.... offer?" tanong ni Suho.

Bigla napa-smirk si Manager. "Offer to join SM ENTERTAINMENT, that is." biglang naglakihan yung mga mata ng EXO. 

Sabay sabay na nagsalita ang EXO pero ni isa, walang sinasagot si Manager.

"Guys, tone it down. Alam kong nagtataka kayo ngayon. But let me tell you one thing that I'm sure of, they.... no, their talents are way beyond better. Even better than any groups, I guess?" 

This time, mas lalong nag tanong tanong ang EXO. Napaface palm nalang si Manager. "You guys are so......... nevermind. Nevermind what I said. Ako nalang ang gagawa ng paraan."

And with that, lumabas na nga si Manager. Ang EXO naman ay nagmadali na umalis para tanungin sila Shaldrin, Jessica, Summer, Trisha, at Amethyst.

~Summer's POV

"So, ano, mamaya ha? Punta tayong seoul para mag celebrate." paguulit ni Trisha.

Napa face palm kami ni Shaldrin. "Kailangan paulit-ulit?" sabi naman ni Shaldrin pero tinawanan lang siya ni Trisha. Parang baliw.

Sisingit na sana ako ng biglang may kumatok. Napatingin silang lahat saakin. "Ayoko ngang buksan, tinatamad ako." sabi ko sakanila pero mukang wala silang pake.

"Ikaw ang pinaka malapit eh. Diba rule natin yun? Nung nasa pilipinas pa tayo, sa condo natin, yung pinakamalapit sa pinto yung tagabukas, diba?" sabi naman ni Jessica saakin.

Wala naman akong nagawa kung hindi buksan nalang yung pinto.

Leche naman kasi.

Binuksan ko na nga yung pinto at..... omg, I take it back.

EXOtic FangirlsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora