Chapter 14

625 16 5
                                    

~A/N: Sorry sa lahat kung super duper late na ako mag update this past few days. Wala na kasi sa katinuan yung utak ko eh. May hangover pa rin din ako dahil sa F.CUZ kaya ayun. Anyway, Jessica's picture on the side!! :)

~Jessica's POV

Ilang araw na rin yung nakalipas since nag pasko. Sad to say, me and my friends weren't able to celebrate it at the Philippines together with our family.

Pero okay na rin dito sa Korea kami nag celebrate. Masaya naman din kahit papano.

"Saan ba nakakabili ng torotot dito? Wala akong makita sa labas eh. Letse. Nagtotorotot din ba yung mga koreano? Ano ba yan. Gusto ko ng torotot!!" sigaw ni Summer.

Nagtataka siguro kayo kung bakit naghahanap ng torotot si Summer.

December 31 kasi ngayon at mamayang hating gabi, magja-january one na. Yeah, dito rin kami sa Korea magce-celebrate ng New Year. 

This actually all new to me. To us. First time kasi naming magkakaibigan na magcelebrate sa ibang bansa ng New Year, kaya ayun.

"Summer naman, paano ka ba naman kasi makakahanap ng torotot sa napaka sosyaling lugar na 'to. Anu ba. Natural walang nagbebenta rito 'no." sabi naman ni Shaldrin.

"Ang korni naman. Dapat pala sa ibang lugar na lang tayo." naka pout na sabi ni Summer.

"Korni ka diyan. Kung hindi tayo nandito sa hotel na to, hindi mo makilala ang ating EXO loves at TEEN TOP loves. At hindi mo makikita si Sehun sa bubble tea shop kaya be thankful!" sigaw naman ni Amethyst kay Summer.

Si Summer naman ay napa 'whatever' nalang dahil tama yung sinabi ni Amethyst.

Hay, etong mga babaeng talaga 'to.

"Hoy, bakit ang tahimik mo?" tanong saakin ni Summer.

Inirapan ko siya. "Hindi hoy ang pangalan ko."

Pero tinawanan nalang ako ni Summer. "Taray mo. Ba't ang tahimik mo ngayon Jess?"

Napabuntong hininga ako. "New Year mamaya eh. Alam niyo namang ayaw ko sa mga maiingay. At lalong ayoko ng mausok."

Tumabi saakin si Trisha sa upuan. "Eto naman. Ang KJ mo. Sa daming years mo ng nabubuhay sa mundong 'to, hindi ka na nasanay. Tsaka dapat lang na maging maingay no, pangpatanggal nga daw yun ng bad spirits eh."

Napa 'tch' ako. "Kahit na. Naniniwala ka dun? Eh bakit ako? Hindi ako nagiingay almost every year. Pero wala namang mga bad spirit bad spirit na yan."

Tumawa ng malakas si Summer. "Walang bad spirit? Sayo? Weh?"

Tinignan ko ng masama si Summer. "Kung hindi ka lang malayo saakin, kanina pa kita binatukan ng sobrang lakas. Yung tipong mababalian ka na ng leeg."

EXOtic FangirlsOnde histórias criam vida. Descubra agora