Chapter 11

692 12 6
                                    

~Sehun's POV

Pabalik na ako sa hotel namin habang umiinom ng bubble tea. Nag take out nalang ako, baka kasi may makakilala pa saakin duon eh.

At hindi ko pa rin natatanggal yung ngiti ko ngayon. :">

Masisisi niyo ba ako? HAHAHAHA. Sakatunayan nga eh dapat galit ako, kasi natapunan ako ng bubble tea. Pero, si Summer yun eh... 

Hindi ko namalayan eh nasa hotel na pala ako. Matagal na pala akong naglalakad? 

Pumasok na ako sa loob, pumasok sa elevator at clinick yung button 5. Yeah, sa fifth floor naka pwesto yung hotel room namin na EXO.

Nakarating na rin ako sa floor namin, naglakad ako papunta sa room namin. Bubuksan ko na sana yung pinto ng binuksan ni Kai na galing sa loob. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "San ka galing?" tanong niya saakin.

Napangiti ako. "Sa tabi tabi." 

Biglang tumawa ng malakas si Kai. "Tabi tabi? You mean to a bubble tea shop. Anyway, aalis muna ako. Maghahanap ako ng French Restaurant somewhere around here, I'm craving for French Cuisines big time." sabi naman saakin ni Kai at ginulo yung buhok ko. 

"Aishhh!! kailangan ba pang guluhin yung buhok ko?" sigaw ko sakanya pero kumaway nalang siya at tuluyan na ngang pumasok sa loob ng elevator. -_-

Pumasok na nga ako sa dorm namin at si D.O agad ang sumalubong saakin. Ayiiieee, pustahan tatanungin nito kung saan pupunta si Kai.

"Sehun, saan pupunta si Kai?" natawa ako. Sabi na eh!!

"Maghahanap daw ng French Restaurant diyan sa tabi tabi, hyung. Bakit? Miss mo na agad?" pagjo-joke ko. Pinalo nalang niya ako sa braso.

~Kai's POV

Thank God hindi medyo isolated tong hotel namin. Hindi ko na kailangan masyadong mag disguise kasi usually ang mga tao dito kilala nga ako, pero wala silang pakielam.

I like that better. Hindi naman sa iniiwasan kong makita ako ng mga fans namin, I just want to have a break. Just this once. 

Biglang akong napatigil, may naanigan kasi ako sa gilid ng mata ko.

Finally, a French Restaurant. Dali dali akong pumasok. You can't blame me though, I've been craving for French Cuisines for a week now. 

Humanap ako ng table na malapit sa bintana. Mas maganda kasi kapag kitang kita yung labas. Mas may magandang view.. kesa naman kasi sa mga sulok. 

May mid-aged na waiter na lumapit saakin para kunin ang order ko. I ordered Coq au vin, which is a chicken in red wine sauce at Gratin dauphinois, potatoes melt with cheese. 

EXOtic FangirlsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon