Chapter 3

1.1K 30 4
                                    

AUTHOR'S P.O.V =))))

Ang mga tao ay may sari sariling mundo. Nagkakagulo. Nagsisigawan. Tumatalon. Habang sila summer naman ay hinahanap ang kanilang nawalay na kaibigan na si Amethyst.

Si Amethyst ay nasama rin sa stampede. Naiiyak na siya kasi, hindi niya mahanap ang mga kaibigan niya. Ang masaklap pa ay iniipit na siya at halos hindi na siya makahinga. Sinisigawan na niya ang lahat ng tao pero wala pa rin silang pakielam. Nakatuon lang ang kanilang atensyon sa lalaking nasa harap niya ngayon.

"Gwaenchana?" hinawakan siya at pilit na hinihila palabas sa stampede na yun. Hindi niya alam kung kikiligin, matutuwa o maiinis siya. Ang nasa harap kasi ni Amethyst ay ang ultimate bias niya sa EXO-M na si Luhan.

So, ang EXO pala ang pinagkakaguluhan ng mga tao. Sabi ni Amethyst sa isip niya.

"Aniyo." hinila ng malakas si Amethyst at tuluyan na siyang nakaalis doon. Naglakad silang dalawa papasok sa loob ng hotel.

Tumigil sila at kinausap siya ni Luhan..

Wag kang kikiligin, wag kang hihimatayin, Amethyst. Sabi niya ulit sa sarili niya.

"Isa ka ba dun sa nirecruit namin? Yung mga sasayaw?" 

"Uhh...eehh.." sa huli ay napatango nalang si Amethyst. Wala na siyang ibang choice. Isang poging Luhan na ang nasa harap niya, ano pa ba ang magagawa niya? =))

"Ahh buti nalang nailabas kita dun sa stampede. Nasan na yung mga kasama mo? Okay ka na ba?" 

Hindi makapagsalita si Amethyst. Nai-stroke na ata siya. Umuurong na rin pati yung dila niya. Masyadong siyang nastastar struck sa kapogian ni Luhan. 


"Uhh..miss?" 

"A-ah... Eh.. Nasama rin kasi sila dun sa stampede. Nahiwalay kasi ako sakanila, hinahanap pa rin nila yata ako. Tsaka, okay na ako. Salamat pala." 

"Okay. Wag kang aalis dito ah, sasabihin ko lang sa Manager namin na nandito ka na, at ipapahanap na rin namin mga kaibigan mo." ngumiti siya.  

Nginitian ni Luhan si Amethyst. Nginitian siya ni Luhan. NGINITIAN SIYA NI LUHAAAAAAAAN! Hindi niya kasi ine-expect yun. Gusto na niyang mahimatay sa sobrang kilig. Hello? Sino bang hindi kikiligin sa ganun? Baka nga hindi lang himatay ang maabot niya eh. 

"A-ah, sige." 

Tumingin si Amethyst sa paligid. Holy shit. Nandito lahat ng EXO, pwede na talaga siyang mahimatay sa kilig. Or maybe mamatay. Joke, mahimatay nalang. After all the hours that they've spent, makikita na rin nila ang pinakahinahangaan nilang EXO. ❤

...

...

...

"Amethyst?! Nandito ka na ba? Nasaan--" 

EXOtic FangirlsWhere stories live. Discover now