Chapter 5 (Special)

1K 35 8
                                    

~A/N: Belated Happy Happy Birthday to my baby LAAAAY ♥ ♥ ♥ *drools over his gif at the side* ;) ;) Damn, by just looking at his gif makes my hormones crazy ;___; Oh yeah, kaya may special to kasi medyo mahaba also kaka birthday lang ni baby lay. Enjoyyy reading. :-)

~Author's P.O.V again. :D

Pawis na pawis na yung mga palad ni Summer. Hindi niya alam kung bubuksan niya ba itong pinto ng practice room. Eto namang kasama niya na si Jessica eh mukang napilitan lang sumama sakaniya. Ayaw kasi nila Amethyst at Shaldrin na bumalik pa sa practice room. Wala na daw silang mukang maihaharap sa EXO.

"Jessica kasi... ikaw nalang magbukas! Please!" sigaw ni Summer.

Inirapan ni Jessica si Summer at sinabing, "Buti sana kung cellphone ko yung naiwan diyan sa loob edi sana kanina ko pa binuksan yan. Kaso, hindi eh, cellphone mo yung nandun. Bakit ba kasi ayaw mo pang buksan? Napaka simple lang gawin nun eh."

Napapout si Summer sa sinabi ni Jessica. Tama naman kasi siya eh, napaka simple lang na buksan yung pinto pero di niya magawa. "Eh kung madali lang pala, bakit hindi ikaw ang magbukas? Ha?" sagot naman ni Summer.

"Cellphone ko ba yun? Ha?"

"Ang sama mo talaga sakin... akala ko ba mahal mo ako?"

..

..

..

..

"Jusko, oo na. Eto na! Pasalamat ka kaibigan kita, letse." naiiritang sigaw ni Jessica kay Summer.

Ngumiti ng nakalabas ang ngipin si Summer. "Ahhhh, thank you Jessica! I love you talaga forever!" sigaw naman din ni Summer kay Jessica with matching hug.

Nagbuntong hininga muna si Jessica bago niya binuksan ang pinto. 1... 2.... 3... *opens*

Pagkabukas niya ng pinto, bumulagta sakanya si Baekhyun at saktong nagkaface to face sila.. Mukang paalis na rin ata yung EXO members dun sa practice room. 

Nanlaki ang mga mata ni Baekhyun, yung mala D.O. eyes at dahan dahan na binati si Jessica. "Um.. hi...."

"Uy sayang, muntik na kayong mag kiss!" bulong ni Summer kay Jessica at halatang kilig na kilig sa pangyayari. Siniko nalang siya ni Jessica.

"Baekhyun, akala ko ba mauuna ka na sa hotel room? Bakit naka tayo ka pa diyan?" sigaw na tanong ni Chen.

Unang tingin mo palang sa muka ni Baekhyun eh halatang kabadong kabado na siya. "Bakit ganyan yung facial expression mo?" tanong ni Jessica habang nakataas ang kanyang kanang kilay.

Napakagat ng labi si Baekhyun. Mukang takot siya kay Jessica. "Ah.... eh.... wala.... ano nga palang ginagawa niyo dito?" tanong ni Baekhyun habang nagiiwas ng tingin.

Biglang sumingit si Summer at sinabing, "Um, naiwan ko kasi ATA yung cellphone ko dito, so.... yeah."

Tumango nalang si Baekhyun at ngumiti. "Ah... sige, pasok nalang kayo. Oo nga pala, sorry din kanina kay Kai. Hindi naman niya ginusto na mapahiya kayo sa harap namin eh."

EXOtic FangirlsOnde histórias criam vida. Descubra agora