Chapter 32

408 7 2
                                    

~Third person's POV || Night time

Gabi na pero nag uusap usap pa rin yung EXO. Hindi pa rin mawala sa isip nila yung magkakaibigan na yun at yung offer ng kanilang manager.

"I'm sure they would get along with f(x) and SNSD. Even SUJU and SHINEE. And TVXQ and BoA too!" sigaw ni Baekhyun.

Napangiti si Sehun bigla. "I'm really looking forward when that day comes. Excited na akong makasama si Summer tuwing practices. And the others too."

Bigla naman binatukan ni Kai si Sehun. "Puro Summer ka naman eh. Anong and the others too?" tinignan ng masama ni Kai si Sehun.

"Hyung, bakit ikaw? Mamaya puro Jessica ka rin kapag nakasali na nga sila sa SM ENT."

Biglang namula si Kai at binatukan ulit si Sehun. "Someone's guilty...." panga-asar ni D.O.

"Yah!!!~ Shut up!!" sigaw ni Kai, habang namumula pa rin.

"Speaking of Kai, kamusta na kayo ni Jessica?" nakangiting tanong ni Suho kay Kai.

"Back to before, I guess.... after what happened." malungkot na sabi ni Kai.

Lumapit si Suho kay Kai at ginulo yung buhok niya. "Are you still thinking about that? Kung sa sarili mo naman, alam mo na misunderstanding lang yun, then you don't have anything to worry about. It's not your fault. Well, not entirely. Medyo lang siguro."

Bigla naman natawa si Kai. "Hyung, I swear, you give the most complicated yet useful advices. Salamat nalang. Yeah, I guess you're right."

"Pero syempre, wag mo rin kakalimutan, para sa part ni Jessica, may kasalanan ka pa rin na nagawa sakanya." singit ni Kris.

Tumango si Kai at sinabing, "Yes, Hyung."

"Pero once na sumikat sila..... baka may magka-interes sakanila na ibang boy group sa ibang entertainment." singit na sabi ni Xiumin.

Bigla naman tumawa si Chanyeol. "Basta ako may tiwala kay Shaldrin, loyal yun saakin."

"Loyal nga, hindi nga lang sa'yo. Tsaka hindi lang naman siguro tayo yung boy group na gusto nila eh. They're fangirls, remember? It's obvious that we're not the only one." 

Tumango naman si Lay sa sinabi ni Chen. "Chen's right, hindi lang tayo yung nagpapasaya sakanila. Who knows, it might be BAP, Infinite, Big Bang and others."

Out of the blue, biglang nag appear yung manager ng EXO. Pansin din ng EXO na mukang masaya yung manager nila kaya minabuti nila na tanungin siya.

"Anong meron, Manager?" tanong ni Lay.

Bigla naman niyakap ng Manager ng EXO si Lay at sinabing, "They accepted my offer!"

Nanlaki yung mga mata ng EXO. Sabay sabay silang napanganga at napatayo. "Why? Is there anything wrong with what I said?" tanong ng Manager ng EXO.

"T-they really accepted it?" hindi makapaniwalang tanong ni Kai.

Tumango yung Manager ng EXO. "Yes, and after three days, sasama sila sainyo sa pagbalik sa SM ENTERTAINMENT." and with that, napatayo si Kai.

"That fast?!" 

Bigla naman tumaas yung kilay ng Manager ng EXO. "Why, is there something wrong with that, Kai? Hindi ka ba excited? According to my observations, you like one of them."

"Mukang hindi lang pala ako yung nakapansin eh." singit naman ni Luhan habang naka smirk.

"So, totoong gusto ni Kai si Jessica?!" sigaw ni D.O.

"Selos ka, hyung?" panga-asar naman ni Sehun pero binatukan lang siya ni D.O.

"That's enough. Matulog na kayong lahat. We're going to a photoshoot tomorrow, Arasso?" at sabay sabay nga na tumango ang EXO at tuluyan na nga na umalis yung Manager nila.

Tulog na nga silang lahat pero si Luhan ay gising na gising pa rin. Kanina niya pa kasi ka-text si Amethyst, parehas kasi silang hindi makatulog.

Hangga't sa naisipan ni Luhan na tawagan si Amethyst, pero bago niya gawin yun, lumabas muna siya ng hotel room nila.

"Hi, Luhan." bati ni Amethyst kay Luhan. 

"Hi, Amethyst." sagot naman ni Luhan habang naka-ngiti na abot tenga.

"Ba't di ka nga pala makatulog?" tanong ni Amethyst.

Natawa bigla si Luhan. "Secret."

Natawa na rin si Amethyst sa kabilang linya. "So, nagsi-secret ka na pala saakin ha?"

"Joke lang. Um, nasaan ka ngayon?" tanong ni Luhan.

"Sa labas ng hotel room namin, bakit?"

Natawa ulit si Luhan. "Ako rin eh. Gusto mo pumunta sa garden? I heard from the staffs here that there's a lot of fireflies down there every night."

LONG PAUSE.

Narinig ni Luhan na nagbuntong hininga si Amethyst. "It's okay if you don't want to..."

"No! Hindi naman sa ganun, gusto ko nga eh. Lowbat kasi yung camera ko, gusto ko sanang mapicture-ran kaya ayun." napa-isip naman bigla si Luhan.

"You can borrow my camera."

"Really?!" masayang sagot ni Amethyst. Napangiti naman agad si Luhan.

"Of course. So, punta na ako diyan ah?" 

"Alright." at binaba na nga ni Amethyst.

Bago pumunta si Luhan sa hotel room nila Amethyst ay pumasok muna siya sa loob ng hotel room nila para kunin yung camera niya at para magsuot ng jacket.

Pero ang hindi alam ni Luhan ay gising si Kai sa mga oras na yun.

EXOtic FangirlsWhere stories live. Discover now